Chapter 29

32 3 3
                                    

Cindey's P.O.V

"Hoy! Bumangon ka na dyan, aba! Tanghali na! May pasok ka pa baka nakakalimutan mo!" Napakamot ako sa ulo nang marinig ang boses ni Kuya Cloud sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Pasalamat ka nga at ginigising ka pa namin kahit papasok na kami eh!" Sigaw naman ni Kuya Clyde.

Kamot-ulo akong bumangon. Nakakairita kasi sila Kuya.

"Oo na! Babangon na!" Sigaw ko pabalik.

"Bilisan mo oy! Thirty minutes nalang at magsisimula na ang klase namin!" Sigaw ni Kuya Clyde.

"Mauna na kayo! Tsk!" Sigaw ko ulit.

Psh. Baka sa kakasigaw namin, hindi na kami makapasok! Magsisigawan nalang buong araw!

*****

"Mrs.Santos, sorry, I'm late." Nakatungo kong sambit.

Buong klase ay sa akin nakatuon. First time ko kasing malate.

"Okay lang. Go to your seat."

Sinunod ko ang sinabi nito at umupo na ako sa upuan ko. Tsk! Katabi ko nga pala si Luke. At buti nalang ay sa kabilang section si Unggoy. Bawas pambuwisit.

"Anyare? Bat' ka nalate?" Hindi ko nilingon si Luke.

"Basta." Sagot ko at itinuon nalang ang atensyon sa guro.

"Class, magiiba tayo ng seats."

Nagising ang diwa ko dahil sa sinabi ni Mrs.Santos.

Buti nalang, magiiba kami ng seat. Hindi ko na makakatabi si Luke. Mapapadali ang pag-iwas ko sa kanya.

"Garcia." Napatingin ako kay Mrs.Santos dahil tinawag niya ang apelyido ko.

"Yes, Mrs.Santos?" Sagot ko.

"Katabi mo si Abbot."

Napatingin ako kay Josh. Nakatingin din pala siya sakin. Nginitian niya ako kaya nginitian ko siya pabalik.

Lumipat na ako ng pwesto. Katabi ni Josh.

"Amber Santos, katabi mo si Scarlett Lee."

Nagtawag pa ng mga pangalan ng classmate namin. Iba-ibang reaction din ang naririnig ko.

Yung iba, nagrereklamo. Yung iba naman, tuwang-tuwa.

"Hey. Gusto mo?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong ni Josh. Mukang napansin niya naman ang pagkalito ko. Tinuro niya yung kamay niya sa baba ng table gamit ang nguso.

May hawak siyang isang piraso ng cookie.

"Anong gagawin ko dyan?" Kinunotan ko ulit siya ng noo.

"Edi kakainin. Alangan namang tititigan." Sagot niya.

Inirapn ko si Josh. "May klase pa. Bawal kumain."

"May sarili akong batas." Seryosong sabi nito.

Nakakadala naman yung pagkaseryoso niya.

"Baka mahuli tayo." Sabi ko saka umiling.

"Hindi yan."

"Bahala ka dyan. Kung gusto mo, ikaw nalang ang kumain niyan." Sabi ko.

Mahina siyang tumawa. "Bilis na. Minsan lang ako mamigay. Paborito ko pa naman 'to."

Umiling ulit ako.

Tumango naman siya. Aba, nangaasar pa ata. "Hindi ka makakasagot sa klase kapag walang laman ang sikmura."

"Sus." Umiling-iling ako habang natawa.

Accident Love NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon