Chapter 7

46 7 2
                                    

A/N : More on Ezekiel's P.O.V sa chapter na 'to... Enjoy ^_^

----------

Ezekiel's P.O.V

"Anong sadya mo dito?" Tanong ko kay Josh.

Nagsalin ako sa baso ng malamig na tubig saka ito binigay kay Josh. Malamig na tubig lang ang meron ako ngayon eh.

"Nagimbita yung taong gusto ko sa bahay nila." Sabi niya.

"Oh tapos? Anong problema dun. Bro naman, ang babaw mo. Tsaka bakit ka pa nandito? Diba dapat nandun ka na sa bahay nila?" Pailing-iling na sabi ko.

"Hindi kase." Binatukan niya ako.

"Parang nahihiya ako sa kanya. Yung tipong, tignan ka lang niya, nanginginig ka na."

"Seriously?" Pailing-iling na sabi ko.

Kakaiba 'tong kaibigan ko. 'Di ko alam kung anong nararamdaman niya dun sa taong gusto niya eh. Pagmamahal ba o natatakot? Kasi, nanginginig daw kapag tinitignan siya? Psh. Ibang klase.

"Bro, joke lang yan. Pero, may malaking problema talaga kaya nandito ako ngayon."

Tumingin ako sa kanya. "What is it?"

"Si Tiffany."

"Oh, anong meron?" Pabitin pa eh. Psh.

"Si Tiffany, umuwi na. Kahapon pa."

What?!

Cindey's P.O.V

"Walang cellphone, bawas allowance, wala din internet---"

"Pa, wala naman tayong internet eh."

"Wala akong pake! Basta. No cellphones, kahit di-keypad pa 'yan! Tapos yun nga, bawas allowance! Isang libo lang ang allowance mo for the whole month!"

"Pa naman. Bakit ganyan? Ma oh! Payag ba kayo diyan?" Mama, kampihan moko please!

"Tama lang yan sayo, Cindey. Nagpapaparty ka kasi ng wala kami. Eh nung birthday nga nung mga kuya mo, hindi tayo nakapagpaparty eh. Tapos ikaw, magpapaparty lang basta basta nang walang dahilan?" Pailing-iling na sambit ni Mama.

"Hindi naman kasi talaga dapat pa-party 'to eh. Kasalanan talaga 'to ng baklang 'yun! Tsk!" Bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?!" Pagtataray ni Mama.

"Wala po." Sagot ko.

"Akin na."

Taka akong tumingin kay Papa. "Alin po?" Tanong ko.

"Cellphone mo."

Huminga ako ng malalim saka ibinigay yung di-keypad kong cellphone.

Umalis na sila Mama at Papa sa harapan ko at umakyat na ako sa kwarto ko.

Salamat sa inyong dalawa, Josh at Faye! Buti nalang, binilihan nila ako ng bagong cellphone.

Kaso, hindi ko pa pala natatransfer yung mga contacts. Ano ba 'yan!

Dapat pala, nilipat ko muna yung sim card dito bago surrender yung di-keypad na phone! Hays! Ang bobo mo, Cindey!

"Hi, Cindey!" Nagulat ako dun sa nagsalita.

Tinignan ko kung sino yun. Psh. Si Faye pala.

"Pano ka nakapasok dito?" Tanong ko.

"Aba, pinapasok ako ng mga magulang mo eh."

"Nagdala ako ng mga chocolates, may USB din ako na may lamang movies. Manood tayo. Hayaan mo, akong bahala sa mga magulang mo. Malakas ako sa kanila eh. Hahaha! Atsaka alam mo ba, blah... blah... blah..." Kung ano-ano pa yung sinabi niyang wala namang kakwenta-kwenta. Tss.

Accident Love NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon