Cindey's P.O.V
Naibato ko ang alarm clock ko dahil nagulat ako sa pag tunog nito.
Duh? Hindi naman ako sanay ng may alarm clock. Mga Kuya ko ang madalas na gumising sa akin.
Hawak-ulo akong bumangon. Feeling ko ay limang minuto pa lang ako natulog.
Ang iingay kasi nila Faye. Hindi ako makatulog. Naka tulog nga ba ako?
"Gising na bes." Yugyog ni Scarlett sa balikat ko kahit alam niya namang naka bangon na ako. Inirapan ko ito.
Nilingon ko sila Amber at Faye sa kama. Tulog pa sila.
Ako ang nasa lapag at silang tatlo naman sa kama. Bisita daw kasi sila kaya dapat pagsilbihan. Mga gaga.
Oo, dito natulog sila Faye, Scarlett at Amber.
Pagkatapos ng introducing chuchu namin kahapon, umuwi na kaming lahat. Pati sila Unggoy, Luke, Warren, Josh, Tiffany, at Keyrah ay umuwi na din. Talagang inisa isa ko eh, 'no?
Wala na kasi kaming magawa at mukang maboboringan lang kami doon sa school kaya naisipan nilang umuwi na. Ang boys ay may kani-kanilang pasyal. At sila Keyrah at Tiffany ay hindi ko alam.
Dito tumuloy ang tatlo dahil ayaw pa nilang umuwi sa bahay nila. Nagkwentuhan, nanood ng movie, at nag food trip lang kami. Hanggang sa ginabi sila at napagpasyahang dito na lang matulog.
Tuwang tuwa pa nga sila dahil nakita nila ang Kuya ko maliban kay Faye. Pinaka maingay ay si Scarlett at tahimik lang si Amber. Halatang kinikilig si President kahapon, eh.
Tumalon si Scarlett sa gitna nila Faye at Amber kaya nagising ang dalawa.
Mukang kanina pa gising si Scarlett. Basa ang buhok nito na parang kakaligo lang.
Tumingin ako sa orasan. 6:30 am pa lang pala. 8:00 am ang pasok. Sabagay, pwede kaming umabsent.
Biglang may kumatok kaya umayos ng upo ang tatlo.
Bumukas ang pinto at muka agad ni Kuya Clyde ang nakita ko.
"Girls, kakain na. Bumaba na kayo dahil lalamig ang pagkain."
"Ehem, Scarlett. Kakain na daw oh. Niyayaya ka na, este tayo." Asar ni Faye.
Siniko ni Scarlett si Faye pero nakangiti naman. Parang timang.
Umasim naman ang muka ni Kuya Clyde dahil doon. Isinarado na niya ang pinto.
Nagsisisigaw si Scarlett pagkaalis ni Kuya Clyde.
Pati si Faye at Amber ay naki sigaw din.
"Huy." Sita ko sa mga ito. "Hindi sound proof ang kwarto ko. 'Wag kayong maingay at baka marinig kayo nila Papa."
Natahimik naman sila at nagpaunahan sa CR. Napailing na lang ako.
Punyeta. Nauna pa sila kesa sa may ari ng kwarto ah?
*****
"Magkakaklase ba kayo, iha?" Tanong ni Mama sa kanila.
"Opo." Sagot naman ni Scarlett.
"Siya po ang president namin." Turo ni Faye kay Scarlett.
"Eto naman po ang Vice President." Turo naman ni Scarlett kay Amber.
"Ako, simpleng magaaral lang." Sabi naman ni Faye na ikinatawa nila Papa at Mama. Tumawa din si Kuya Cloud pero si Kuya Clyde ay snob lang. Tsk!
"Kasama ba kayo sa rank?" Tanong naman ni Papa.
"Ako lang po." Tinaas ni Amber ang kanang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Accident Love Notes
Teen FictionSimula nung may nakachat ako sa locker ko at nalaman kung sino ito, nagbago ang buhay ko. As in, ibang-iba sa normal na pagpasok ko sa school. Ibang-iba sa dapat na ineexpect kong mangyari. Tapos dumagdag pa 'yung "dahilan" daw kung bakit siya nagre...