Cindey's P.O.V
Si Unggoy?!
Nanlaki din ang mata niya nung makita niyang sa tabi ko siya uupo.
Napakamot nalang siya sa ulo saka umupo sa tabi ko.
Nagsalpak ako ng earphones sa tenga ko. Badtrip naman. Sa lahat ng pwedeng makatabi from other sections, si unggoy pa talaga.
Humarap nalang ako sa window.
Nagsimula nang umandar yung bus namin.
"Cindey." Tawag ni Luke sa akin.
"Oh?" Sagot ko. Hindi ko na siya nilingon sa likod.
"Enjoy the trip." Sabi ni Luke sabay nagtawanan yung apat. Psh.
Napairap nalang ako.
Binuksan ko yung bag ko at tinignan ang mga laman nito. Ganoon din ang ginawa ni Unggoy. Ano yun, parehas kami ng isip?!
Hindi ko nalang pinansin ang sabay na kilos namin ni Unggoy.
Tinignan ko yung mga pagkain.
Ang daming tsitsirya. Siguro sila Kuya ang nagkagay neto. Tsk.
Merong piatos, Nova, Pic-A, Tortillos, Chiz curls, at iba pa. May pringles pa din pala. Bakit naman ganito karami ang chips sa bag ko? Tss. As if mauubos ko 'to lahat. Tsk.
Biglang pumreno yung bus kaya nagsihulugan yung gamit namin ni unggoy. Nakabukas pa kasi yung bag namin.
Pilit kong kinakapa sa ilalim yung mga pagkaing nahulog sa bus. At ganoon din ang ginagawa ni Unggoy. Seriously?! Bakit ba parehas kami ng ginagawa?
Dinampot ko na lahat at ilalagay ko na sana sa bag ko yung pringles nang magsalita si unggoy.
"Hey, that's mine." Napatingin ako sa kanya.
Tinuro ko yung pringles. "Eto?"
"Yeah." Sagot niya.
Umiling ako. "Akin 'to eh."
Tumawa siya. Pero hindi yung tawang nasisiyahan. Tawang pamimilosopo 'yun. "Sure ka? Akin nga 'yan. Don't tell me, nanakawan mo pa ako ng pagkain?"
Kumulo ang dugo ko bigla. Anong tingin niya sa'kin, patay gutom?! Hindi ako ganon!
"Hindi lang naman kasi ikaw ang may ganyan." Sabi ko. Nginitian ko pa siya. Yung tipong magmumukang sincere ang ngiti ko.
Hindi niya ako sinagot. Hinablot niya lang yung pringles sa kamay ko. Aba't!
Hinablot ko ito pabalik.
Mang-aagaw talaga 'tong unggoy na 'to! Una, yung libro na hihiramin ko dapat dun sa library. Pangalawa, yung kape na inorder ko dun sa cafeteria. Pangatlo, yung di-keypad na cellphone ko. At ngayon, pati ba naman ang pringles ko?!
Halos nagaagawan lang kami ng pringles. Pero tahimik lang kami.
"Huy. Ang kulit niyong dalawa diyan." Rinig kong sabi ni Scarlett pero hindi pa din kami tumitigil.
Akin 'tong pringles na 'to! Alam ko ang flavor nung akin! Mang-aagaw na unggoy!
"Akin nga kasi 'to! Ang kulit mo!" Naiinis na bulong ni Unggoy sa'kin habang hindi pa din binibitawan ang pagkakahawak sa pringles KO!
"Ano, lahat nalang, sa'yo?!" Pabalik na bulong ko.
"Guys!" May sumigaw. Kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Si Amber. Yung Vice President namin. Amber Santos ang buong pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Accident Love Notes
Teen FictionSimula nung may nakachat ako sa locker ko at nalaman kung sino ito, nagbago ang buhay ko. As in, ibang-iba sa normal na pagpasok ko sa school. Ibang-iba sa dapat na ineexpect kong mangyari. Tapos dumagdag pa 'yung "dahilan" daw kung bakit siya nagre...