HMDB 12: Ella Sy

5.3K 191 9
                                    


Luhan's POV

"Kung pwede lang naman po. Birthday ko naman po bukas eh, kaya sana okay lang sainyo ma-late ako ng konti." Sagot ko sa boss ko habang sya nakatalikod pa rin.

I felt uncomfortable nung hindi sya sumagot sakin at nakatayo lang talaga sya dun, para syang naging mannequin. Kaya tinawag ko ulit sya. "Boss."

"The more na kailangan mong maging maaga bukas." Sagot nya na medyo nagshi-shake yung boses nya. "Ba't dito ka pa kasi natulog alam mo nang may pasok ka bukas."

Pagkasabi nya nun umalis na sya sa kwarto at isinara ang pinto. Ang weird naman nitong Sehun na to. Mali bang humiling ako ng simpleng favor. Jusko konting minute lang pong late ang hinihingi ko. Natutuwa kasi ako dito sa Chanyeol eh. Ngayon pa lang kami nagkakakilala pero parang ang gaan na kaagad ng loob ko sa kanya. He's so funny at hindi sya nauubusan ng kwento. Halos pareho kami ng personality. He told me na parang ang gaan daw ng pakiramdam nya sakin. Ngayon na lang daw sya naging madaldal ulit. Simula daw kasi nung mawala si Ella, parang nawalan na sya ng mapagkukwentuhan. Parang nawalan na raw ng saysay ang mga kwento nya kasi di naman na maririnig ni Ella.

"Chanyeol, I hope you don't mind kung magtatanong ako about Ella."

"Sure what is it?" Tipid naman nyang sagot.

"Sino ba si Ella?" Tanong ko sa kanya with a very calm tone. "I've been hearing her name the entire day and yet wala pa rin akong clue kung sino sya."

"If I remember it right sinagot ko na yang tanong mo na yan. Nung nasa milktea shop tayo. Diba?"

"Ay oo nga pala hahaha." Kunware kong sagot na naalala ko, pero wala naman akong maaalala talaga kasi di ko naman na narinig yung mga sinabi nya kasi nga na-distract ako nung nakita ko sa labas ng shop. "Hindi ko kasi masyado naintindihan yung kwento mo eh."

Biglang naging seryoso ang expression ng face nya bago sya nagsalita. "Ella was the love of my life. She became my reason to live. But she's long gone now... forever."

I was taken aback by what he said. I can say that he really was sad about it dahil sa tono ng pagkakasabi nya nito. He was so sincere, ibang iba sa personality na pinakita nya kanina.

"But why did you call me Ella this morning?" I asked him.

He didn't answer me immediately. He just looked at me in the eyes for a minute before he decided to speak. "You remind me so much of her."

Pagkasabi nya nun hindi pa rin nawala yung intense nyang tingin sa mga mata ko. Hanggang sa narealize nya na masyado ng seryoso ang ambiance sa kwarto dahil sa pinauusapan naming. Bigla syang humiga at hinila ako sa braso para mahiga na rin. "Tara na tulog na tayo. Maaga ka pa bukas baka magalit yung boss mo. Mainitin pa naman ang ulo hahahaha." Sabi nya sakin at tumango naman ako as an answer.

Hindi ako kaagad nakatulog dahil iniisip ko si Ella. Why do I remind him of Ella so much? Ano bang meron si Ella na nakikita nya sakin? Baka kaya magaan ang loob nya sakin dahil nakikita nya si Ella sakin. Pero gano ba talaga kami kapareho ni Ella? I wanted to see her picture pero mukhang ayaw na din pagusapan ni Chanyeol si Ella. Ipinikit ko na lang din ang mga mata ko para makatulog na rin.

---

Nagising ako dahil sa na feel kong haplos na mukha ko. Pagdilat ko ng mga mata ko nakita ko si Chanyeol. Nakaupo sya sa tabi ng kama habang hinahaplos ang mukha ko. Napansin nya na nagising na ko kaya nag-smile sya ng malaki, and I swear ang gandang pambungad sa araw na to ang smile nya.

He's My Devilish BOSS [boyxboy] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon