Luhan's POV
"Mark," tawag ko sa kapatid ko habang kinakatok ang pinto. "Pabukas ng pinto."
Agad namang binuksan ng kapatid ko ang pinto. Bumungad kaagad sakin ang ngiting ngiti nyang mukha, pero napalitan ito kaagad ng para bang nagtataka ang expression ng mukha nya. Para syang natulala doon na parang nagtatanong sakin, pero hindi sya nagsasalita. Hindi pa rin sya umaalis sa daan kaya akmang hahawiin ko na sya sa balikat pero tinigasan nya ang tayo nya. Tinignan nya ko, then tumingin sya sa boss ko pakatapos. Ahhh nagtatanong siguro kung sino ang kasama ko, kaya pala di kami kaagad pinapapasok. Loko talaga to hahahaha.
"Ahhh boss ko yan Mark," natatawa kong sabi sa kanya. "Si Sir Sehun."
Nag-smile naman sa kanya tong boss ko.
"Sir this is Mark," sabi ko naman sa boss ko. "Kapatid ko po."
Nag-smile lang din sya ulit at nag-nod ng slight. Parang sa pinto pa lang nagiging awkward na ah.
"Ano di mo pa ba kami papapasukin?" Bigla kong tanong sa kanya dahil nakaharang pa rin sya sa daan. "Ano dito na lang ba tayo sa may pinto??"
Sarcastic kong tanong sa kapatid ko. Napangisi naman sya dahil sa sinabi ko at umalis na din sya sa daan. Pumasok na kami ni Sehun, habang sya bitbit yung mga binili naming kanina. After kasi ng work naming kanina dumaan ulit kami dun sa favorite cake shop nya, ibibili daw kasi nya ko ng cake. Kinuha ulit naming yung pinakapaborito nyang design. Guess what? Superman syempre hahaha adik sa Superman eh. After namin bumili ng cake, bumili rin kami ng iba pang pagkain. Sya lahat nagbayad kaya hindi na ko nagreklamo. Aarte pa ba? May kasama akong bilyonaryo kaya go na diba, minsan lang to maging mabait.
Medyo gumagabi na rin kaya inayos ko na kaagad sa table yung mga binili naming pagkain kanina. Hindi talaga nakaramdam yung dalawa dahil nagchikahan lang sila habang nakaupo sa sofa. Ang gagaling eh, pinabayaan lang ako dito. Pero nakakatuwa sila tignan, parang magkapatid sila na nagkukwentuhan. Close kayo kaagad? Galing ah. Ako nga naghirap muna bago ko nakausap ng maayos yan. Nakikita kong ang OA na magkwento ni Mark kaya natawa tuloy ako.
Maya-maya hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala si Mark, at ngiting ngiti ang gago. Anyare dito?
"Ayyieh boyfriend mo na ata to eh." Pabulong nyang sabi.
"What??? Boss ko yan." Pabulong ko ring sagot sa kanya. "Ano ba mga pinagsasabi mo. Tsaka ano ba pinaguusapan nyo ha?"
"Wala naman masyado." He said teasingly.
"Mark Xi magsalita ka!"
"Ito naman haahaha wala naman nga masyado," he said teasingly again. But then he continued. "Ikaw topic namin. Ayyiehhhh..."
BINABASA MO ANG
He's My Devilish BOSS [boyxboy] [COMPLETED]
FanfictionHindi ko na maalala kung pano ko naging boss ang dimunyung lalaking ito, at ayoko nang alalahanin pa! Pero para sainyo, sige, aalalahanin ko. Nagkasakit kasi ang nanay ko nung panahon na yun at kailangan talaga namin ni papa magtrabaho. So, nag-appl...