Lulu's POV
Two weeks na ang nakalilipas after nung "kape" incident. Pero kapag naaalala ko yung nangyare, di o talaga napipigilang manggigil. Yung Jane na yun, I thought she was nice. Turns out, sinadya nya pala talagang sabihan ako na gusto ng boss namin na maraming gatas sa kape. Another thing pa pala is, bakit parang kasalanan ko? Eh bago pa lang ako dito ah!
These past two weeks, naramdaman ko na agad ang injustice sa trabaho na to. Not to mention tong mga hinayupak na katrabaho ko, na goal talaga everyday ay inisin ako. Di ko alam kung bakit ayaw nila sakin? Pero nakikisama na lang ako, kasi dapat ganun daw eh sa trabaho. Makakatagpo ka talaga ng mga bwiset na katrabaho, pero kailangan mo lang makisama. Makisama. Pero hindi ko naman sila masyado pinapansin na eh. Let's talk about my boss. ANG GULO GULO NYA! GRRR KAGIGIL! Andami nyang pinapagawa, tapos gusto tapos kaagad?! Saang kamay ni Superman ko kukunin ang pagtapos sa mga inuutos nya! Ano ako magma-magic??! Kaya sobrang stressed na ako two weeks pa lang. Pero kakayanin, atleast may trabaho diba. Atleast may kikitain.
Nandito pala ako ngayon sa office nitong boss ko. Nakaupo lang ako dito sa gilid. In fairness wala pa syang inuutos today. Usually pagkadating na pagkadating ko utos agad yan. Mga limang utos kaagad. Since medyo boring na nga kasi walang ginagawa, kinuha ko muna phone ko at nag-facebook. Scroll scroll lang ako, hanggang sa naisip ko i-search tong boss ko sa Facebook. So nag-type ako ng "Oh Sehun". Andaming lumabas. Aba famous talaga to ah. Hinanap ko yung page na may pinakamaraming likes, kasi yun yung official. Ang sosyal nung pa DP nitong boss ko. Actually ganito naman talaga pananamit nya, very formal. Kaibahan lang eh naka smile sya dito sa picture, nakakapanibago tuloy. Pero ang gwapo nya pag nakangiti. Napa smile na din tuloy ako. Hihi na-imagine ko tuloy kung ganito sya everyday, kung naka smile sya everyday, feeling ko nakakagana pumasok sa trabaho, and kahit andami nyang utos okay lang. Parang matatanggal lahat ng pagod ko sa smile nya. Medyo ang OA ng thoughts ko pero totoo talaga. Ito kasing boss ko na to laging mainit ang ulo, laging kunot ang noo. Di man lang mag chill eh.
"What are you looking at?" Biglang tanong nung boss ko. "You seem to be enjoying."
Medyo nagulat ako sa tanong nya. Kaya binulsa ko na muna phone ko, at sumagot na din sa kanya. "Wala po ito sir," Then I continued. "May nakita lang pong magandang tanawin."
Napatingin sya sakin bigla ng sabihin ko yun, at parang naging curious yung mukha nya. "Ano naman yung nakita mo?"
Hala chismoso din pala to. Ano ba pakialam mo!
"Secret." Sagot ko sa kanya.
Halatang medyo nainis sya sa sagot ko. Parang na-disappoint ang hamag.
"Fine." Sabi nya naman sakin. Hala nagdabog? Anong problema nito? Hindi naman to ganito eh.
"Sir," Tawag ko sa kanya. "May mga iuutos po ba kayo?"
"Actually wala," Then he continued. "You can go home if you want."
Parang nagningning ang mga mata ko sa sinabi nya. Tama ba ang narinig ko? Pwede na daw ako umuwi? Omg! Ang saya naman!
"Sige po sir," Sabi ko sa kanya. "See you po tomorrow."
Hindi na sya sumagot at biglang tumayo. Pumunta sya sa may right side nung office at pumasok sa isa pang kwarto. Seryoso gano ba talaga kalaki tong office na to! Parang condo unit na to ah! Kakapikon mas malaki pa office nya kesa sa buong bahay namin!
Kinuha ko na yung mga gamit ko at lumabas na nga ako ng office nya. Naglalakad ako na anlaki ng ngiti ko. Parang timang na ko dito pero go lang, eh sa masaya talaga ako eh. Birthday din kasi ni mama today, kaya bibisita ako ngayon.
Pagkarating ko sa office area nung ibang mga empleyado, nakita ko silang nagkukumpulan, at parang may pinaguusapan. Na curious tuloy ako, kasi baka ako na naman topic nitong mga to! Kasi kapag narinig kong ako nga talaga ang topic, nako humanda sila, ready na kong lumaban this time!
BINABASA MO ANG
He's My Devilish BOSS [boyxboy] [COMPLETED]
FanfictionHindi ko na maalala kung pano ko naging boss ang dimunyung lalaking ito, at ayoko nang alalahanin pa! Pero para sainyo, sige, aalalahanin ko. Nagkasakit kasi ang nanay ko nung panahon na yun at kailangan talaga namin ni papa magtrabaho. So, nag-appl...