Sana magustuhan nyo po itong first chapter. Sana di kayo ma-cornyhan. Dedicated muna saakin ito ah, sabi na lang kayo kung gusto nyo ng dedication. :)Here you go.
----------
Lulu's POV
Literal na sabog na ang ulo ko. Sa dumi ba naman ng mga usok na nanggaling sa mga sasakyan dito sa highway, walang makakaligtas na buhok. Kahit buhok sa kilikili aabutin.
Nandito ako ngayon sa may kalsada, palaboy. Joke! Wala pa kasing tumatanggap sakin sa trabaho. Lahat pinagtatabuyan ako. Meron ngang isang gusto akong kunin, kaso iba yung motibo nung boss, manyakis! Kaya syempre inayawan ko no! Gusto ko yung desente. Kahit tagatimpla muna ng kape okay na. Kailangan ko lang kasi talaga eh.
Nagkasakit kasi si mama. Kailangan kong tulungan si appa sa pagtatrabaho. Hindi nya kakayanin lahat ng gastos, kaya kailangan kong tumulong.
Graduate naman na ko, kaso wala talagang may gustong tumanggap sakin.
Habang nakaupo ako dito sa may bench sa gilid ng highway, isang street sweeper ang pumukaw sa pansin ko. Matanda na syang lalake, pero nagtatrabaho pa rin sya. Kung sya nga kinakaya nya pa ang trabahong yan, why not ako, diba? Jeske, kakayanin ko kaya yan? Malolosyang ako jan.
Pinagmasdan ko ang paligid. Puro naman buildings na matatas. Puro mga kompanya pero wala talagang may gustong tumanggap sakin.
"Nek nek nyo!" Napasigaw ako habang tinitingnan yung mga building. Nakakapanginit kasi ng ulo eh.
Tatayo na sana ako nang biglang may papel na sumapo sa mukha ko. Halos masinghot ko yung papel sa gulat ko. Muntikan pa kong matumba.
"Ano ba to?" Kinuha ko yung papel sa mukha ko at inayos para naman mabasa ko kung ano man ang laman nito.
"Oh Company. Immediate hiring for secretary....?" Pagbabasa ko.
Teka, immediate hiring daw oh. Hala! Baka para sa kin na to. Ito na sya! Diyos na mismo nagbigay ng daan para dito!
Agad kong hinanap ang address nung company building nila. Medyo malapit lang naman sya dito kaso kailangan ko mag-taxi. Carry na to.
Hindi nagtagal at nakarating na rin ako sa building ng Oh Company. Medyo nagdadalawang isip pa ko kasi diba secretary. Parang pambabae lang na trabaho. Kaso kailangan ko pa rin talagang subukan. I need this, and sana palarin na ko dito.
Unang tingin mo pa lang sa loob, halatang halata na na mayaman talaga ang may-ari nito. Ang lawak lawak at andaming empleyado. Madaming guards and dito sa lobby, madami din ang mga tauhan. Napaisip tuloy ako. Sa dinami dami ng empleyado dito, bakit nangaylangan pa sila ng bago?
Lumapit ako dun sa isang babaeng nakaupo dun sa may entrance ng lobby. Medyo may edad na sya. Parang may pamilya ng binubuhay pero maganda pa rin. "Good morning." Bati ko sa kanya.
"Good morning. How can I help you?" Sagot nya.
"I'm actually here to apply in your company, for secretary. I saw that you are in immediate hiring for that." Sabi ko sa kanya.
Napangiti naman agad sya sa sinabi ko. Parang nabuhayan sya sa sinabi ko. Masyado bang maganda boses ko?
"Are you sure you want to apply?" Tanong ulit nung babae.
"Yeah? I need a job, so yeah, I'm sure." Sagot ko sa kanya.
Napapalakpak sya sa sinabi ko. Again, she is so weird. Parang bata pero matanda na rin naman sya. Nu ba yan.
"Yehey! Please follow me." Tumayo agad sya at kinaladkad ako. Ambilis nya maglakad. Excited na excited, parang nasa marathon kami.
Pumasok kami sa elevator and she pressed 19. Humarap agad sya sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
BINABASA MO ANG
He's My Devilish BOSS [boyxboy] [COMPLETED]
FanficHindi ko na maalala kung pano ko naging boss ang dimunyung lalaking ito, at ayoko nang alalahanin pa! Pero para sainyo, sige, aalalahanin ko. Nagkasakit kasi ang nanay ko nung panahon na yun at kailangan talaga namin ni papa magtrabaho. So, nag-appl...