Lulu's POV
Nandito na kami ngayon ni Sehun sa isang maliit na bahay kung san kami naga-stay for the whole week namin dito sa place na to. Para syang motel, pero naka separate ang bawat kwarto. Samin siguro ni Sehun yung pinaka-malaking room. Pagkarating ko rito naligo ako kaagad para mabura na yung make-up, tsaka makapagpahinga na rin. Nagbihis na rin ako kaagad after ko maligo. Nagsuot lang ako ng oversized hello kitty shirt at cycling shorts kasi mas komportable ako sa ganun, para ready na matulog after kumain. Maya-maya narinig ko na bumukas yung pinto.
"Hey," mahinang tawag sakin ni Sehun.
Nilingon ko naman sya at ngumiti ng bahagya. Lumapit sya sakin at umupo sa kama habang nakatayo ako sa harap nya. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay at nagsalita.
"I'm sorry sa inasta ko kanina." Mahina nyang sabi. "It's just that--"
I cut him off. "I know. Because I looked exactly like Ella a while ago?"
"No. It's not just that..." He paused. Then he continued. "Ayokong isipin mo na baka ginagawa ko lang tong mga bagay na dahil kamukha mo si Ella. To be honest with you, I don't see Ella in you anymore. You two are so much different, in many many ways. Kanina, nabigla lang ako. Because for a second, I thought I saw Ella. But then I immediately got into my senses and realized it was you. I'm so sorry dahil iniwan kita kanina... I just... I didn't know what to do. I'm sorry Luhan."
Damn, he's so cute when he's saying those words. Pano ba ko magagalit sa taong ganito ka-cute.
"It's okay." I told him, and then flashed a smile. "I know you have your reasons, and I will always understand."
Pagkasabi ko nun, bigla nya akong niyakap. I can feel his face on my tummy. Para syang bata na niyayakap ang nanay nya hahahaha. Hinaplos ko lang ng hinaplos ang buhok nya habang nakayakap sya sakin.
"Ang bango bango naman ng baby ko, bagong ligo." He said playfully. Natawa tuloy ako.
"Sige na diba may gagawin pa kayo. Baka hinahanap ka na dun."
After a few seconds, he broke the hug and got up. "Sige alis na ko. Ingat ka dito ah. May papupuntahin ako dito mamaya para may kasama ka. I-lock mo yung pinto hangga't wala pa yung pinapapunta ko ah."
Tumango lang ako sa kanya as a reply. Kinuha nya na yung mga gamit nya at umalis na. May meeting pa ata kasi sila. Medyo aligaga na ang team kasi next month na iri-release yung bagong watches nila. Ewan ko nga kung bakit di ako sinama ni Sehun. Minsan naiisip ko di ako nagta-trabaho eh, parang lumalandi lang ako. Pero di na ako umaangal, yun daw kasi way nya para ipakita sakin na mahalaga ako sa kanya, ayaw ako mapagod. Minsan kasi konting galaw ko lang hinihingal ako. Kunware maglalakad lang ako sa hallway then mapapansin nya hingal na ko. Siguro dahil wala na kong exercise. Myghad maaga akong tatanda nito.
Maya-maya, biglang may kumatok.
"Tao po!" sigaw ng isang babae sa may pinto habang kumakatok. Baka ito na yung pinapapunta ni Sehun.
Pagkabukas ko ng pinto, isang magandang babae ang nakita ko. Medyo bata pa sya, at medyo panglalake ang damit nya, pero kung titignan mo talaga sya, makikita mo na maganda talaga sya.
"Hello po sir ako po si Somi, ako po yung pinapapunta ni Sir Sehun." Sabi nya naman sakin.
"Sige pasok ka." Sabi ko naman sa kanya at ngumiti na rin para maramdaman nya na welcome sya.
Umupo na sya sa sofa at lumingon lingon sya sa bahay. She's like scanning the house, na parang may hinahanap.
"Ahh Somi may problema ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ah wala naman po." Sagot naman nya sakin. "Hinahanap ko lang po sana yung bata. Asan po ba yung bata?"
"Huh?" Pagtataka ko. "Anong bata? Sinong bata hinahanap mo?"
Mukhang naguluhan na din sya dahil sa facial expression nya.
"Ang sabi po kasi ni Sir Sehun punta raw po ako dito para alagaan yung baby nya. Asan po ba yung baby?"
Bigla akong natawa at na-feel ko na lang na namula ang mukha ko. Nagbu-blush na siguro ako. Siraulo kasi tong Sehun na to. Ba't kasi sinabi pang baby. Ewan ko medyo keneleg ako dun ah infairness. Corny naman nitong Sehun na to.
"Hahahaha walang baby dito." Sabi ko sa kanya habang medyo natatawa pa rin. "Nagbibiro lang yun. Ako lang andito."
Pagkasabi ko nun, medyo nalungkot sya.
"Nagdala pa naman po ako ng iba't ibang klase ng laruan para pang aliw dun sa baby, wala naman pala." Sabi nya habang nakatingin sa bag nya. "Okay lang po ba umalis muna ako? Ibalik ko lang po muna to sa amin. Malapit lang naman po yung bahay naming dito."
"Sige okay lang." Sagot ko naman sa kanya. "Pasensya na ah, makulit talaga kasi yung Sehun na yun eh."
"Okay lang po." Sagot naman nya habang nakangiti. "Sige ibalik ko po muna to. Balik din po ako dito agad."
Umalis na sya ng bahay at naiwan akong mag-isa. Isinara ko kaagad ang pinto at ni-lock ito. Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig, naalala ko kasi uhaw nap ala ko. Hindi pa man din ako nakakapag-dispense ng tubig, biglang may kumatok ulit. Inilapag ko muna yung baso ko sa lamesa at pumunta na kaagad sa may pinto para pagbuksan si Somi. Nung malapit ko nang hawakan yung door-knob, naisip ko na parang ambilis naman ata ni Somi nakabalik. Kahit malapit man ang bahay nila dito sa motel, hindi naman siguro ganito kabilis makakabalik si Somi. So sino kaya itong kumakatok?
Hinintay ko na magsalita yung kumakatok, pero hindi talaga sya nagsasalita. Kumakatok lang sya ng kumakatok. Maya-maya, bigla na lang sya huminto sa pagkatok. Pero nakapagtataka talaga, sino kaya yung kumatok? Medyo nakakaramdam na ko ng takot, at medyo sumisikip na ang dibdib ko, pero tumayo lang ako dun, para handa ako sa kung ano man ang mga susunod na mangyayare.
Maya-maya, bigla ko na lang narinig na nag-click yung lock ng pinto at bumukas ito.
"Miss me?"
To be continued...
____
Author: Hi guys! Sorry for uploading such a short chapter. Medyo tinamaan na kasi ako ng antok *peace*. Sa susunod na lang na chapter yung ibang mga scenes. Anyways, sana na-appreciate nyo yung ilang mga HunHan moments sa chapter na to :)
BINABASA MO ANG
He's My Devilish BOSS [boyxboy] [COMPLETED]
FanfictionHindi ko na maalala kung pano ko naging boss ang dimunyung lalaking ito, at ayoko nang alalahanin pa! Pero para sainyo, sige, aalalahanin ko. Nagkasakit kasi ang nanay ko nung panahon na yun at kailangan talaga namin ni papa magtrabaho. So, nag-appl...