Sehun's POV
This is the first time that I ever got a lead kung nasaan si Luhan. Well, siguro tama ako sa isang bagay... he was in Germany all along. Was he hiding from me? Sinadya nya ba na wag magpakita sakin? I don't know. Pero ang importante sakin ngayon ay makita sya ulit, makasama sya ulit. Lalo na ngayon na he's still struggling with that heart disease na hindi malaman laman kung ano. To be fair, hindi ma-diagnose ng mga doctor sa Pilipinas. Pero baka sa Germany they somehow did it. I still have to find out.
The 13 hour flight to Germany felt like forever. Gustong gusto ko nang makita si Luhan. Gusto ko nang malaman kung ano nang pakiramdam nya, kung ano man nagbago sa itsura nya. I'm hoping na sana kaya nya pa, sana he can still fight... pero kung hindi nya na talaga kaya at hirap na hirap na sya... he can let go. Pero wag na muna ngayon. Please Luhan... lumaban ka, kahit sandali lang, lumaban ka pa.
Sobrang hilong hilo pa ako dahil siguro sa jetlag pero hindi na ko nagpahinga pa. Agad na kong dumiretso sa address ng hospital na binigay nung tumawag sakin. Honestly, hindi naman to reliable source eh. Ni hindi nya nga sinabi ang pangalan nya. Basta tinawagan nya lang ako at sinabi nya na kasama nya si Luhan, nasa hospital, binigay nya sakin ang address through text message and that's it, pumunta na ako kaagad dito sa Germany.
Pagkasakay ko sa taxi, sinabi ko na agad sa driver kung san yung address. Habang nasa byahe ako, napahawak ako sa noo ko dahil nahihilo ako. Naramdaman ko rin na mainit na ko. Nilagnat pa ko. Feeling ko dahil na to sa fatigue... wala na kong pahinga.
Nakarating ako sa hospital after 25 minutes na byahe. Agad naman akong tumakbo papunta sa front desk para itanong kung saang room naka admit si Luhan.
"Hi," bati ko sa babae sa front desk, "can I please know where Luhan Xi is admitted?"
Kumunot ang noo nung babae sa sinabi ko. It's probably because hindi nya naintindihan ang sinabi ko.
"No English?" I asked in a way that she can understand using my gestures as well.
"I can speak English." She replied. "What I meant was you were speaking too fast. What's the name again?"
"I'm sorry," I said. "He's name is Luhan Xi."
She just smiled after hearing what I said.
Agad naman nyang hinanap sa monitor ang pangalan na sinabi ko.
"I'm sorry sir but I don't think someone with that name has been admitted to the hospital for the past 24 hours."
"Uhh can you try Dylan Sy?"
Pagkasabi ko nun tumingin ulit sya sa monitor sa harap nya at hinanap ang pangalan na sinabi ko.
"Sir may I ask your relationship with this person?"
"He's my... close friend." I simply replied.
"Are you sure about that?"
Mukhang nagtataka na yung babae sakin dahil sa paiba-iba ng sinabi kong pangalan. Haynaku alangan naman i-explain ko pa sa kanya lahat ng pangyayare kung bakit Dylan Sy si Luhan Xi. Kahit ako nga hirap na hirap na sa mga nangyayare tapos ako pa magi-explain?
"Look, I seriously am he's close friend. He just had some issues with his name recently. I didn't know if he used his old or new name. Now please, tell me where he is."
May pagdududa pa rin sa mukha nya but then she still managed to smile.
"Go to the third floor. He's at the cardio-thoracic ward number 3."
...
Hindi naman mahirap hanapin yung ward na sinabi nung babae sa front desk kanina. I am now in front of the ward, cardio-thoracic ward number 3. I'm finally gonna see my Luhan, but why am I hesitating to open the door? What's the matter with me?
BINABASA MO ANG
He's My Devilish BOSS [boyxboy] [COMPLETED]
FanficHindi ko na maalala kung pano ko naging boss ang dimunyung lalaking ito, at ayoko nang alalahanin pa! Pero para sainyo, sige, aalalahanin ko. Nagkasakit kasi ang nanay ko nung panahon na yun at kailangan talaga namin ni papa magtrabaho. So, nag-appl...