Sehun's POV
"Kuya Sehun!" Agad na tawag sakin ni Mark nung makita nya kong nakatayo sa may pintuan ng restaurant nila. Naging successful na rin ang tinayo nilang restaurant using my mom's savings for them. Sabi ni tita matagal na raw talaga nilang gustong magtayo ni mommy ng restaurant dahil pareho nilang passion ang pagluluto, pero hindi nila matuloy tuloy dahil na rin nga sa away ng mga asaw nila.
Pumasok na ako habang patakbo naman akong sinalubong ni Mark. He rushed to me and hugged me. We really became close because of Luhan.
"Kuya Sehun umuwi ka pala hindi mo man lang kami sinabihan." Agad na sabi ni Mark. Hindi man lang talaga ko kamustahin muna nitong batang to. "By the way wala ka pala nung graduation ko. Kala ko pa naman susunod ka eh."
"Mark nasa Germany ako nun eh." Sagot ko sa kanya. "Nag FaceTime naman ako sayo diba."
Ngumiti lang sya at hinila na ako papunta sa kusina. Nandun si tita Belinda nag-aayos nung mga plato na nahugasan na. Kasasarado lang kasi ng restaurant ngayong 10:00 pm. Agad naman akong napansin ni tita at lumapit na rin sya sakin.
"Sehun anak," tawag nya, "kelan ka pa umuwi? Kamusta ka na? Parang nangayayat ka ata ah. Wait lang ipagluluto kita mamaya ng tempura ah, diba gusto mo yun?"
"Naku wag na po tita, busog pa naman po ako. Atsaka alam ko po pagod na pagod na kayo. Ipahinga nyo na lang po yan."
"Ah oh sige ang sakit na nga rin ng likod ko."
"By the way kuya Sehun, may balita ka na ba kay kuya?"
Hindi ko alam kung anong isasagot. Kahit alam ko naman na itatanong nila yun sakin, I was never prepared. Hindi ko alam kung pano sasabihin na sa loob ng two years, wala man lang akong progress.
Medyo nahalata ni tita Belinda ang expression ng mukha ko na parang wala ngang maisagot. Feeling ko naintindihan nya na din naman kaagad kung anong hindi ko masabi.
"Mark diba magco-college ka na?" Biglang tanong ni tita kay Mark to save me from the hanging question. "Patulong ka kay kuya Sehun mo kung ano ba talaga ang gusto mong kurso."
"Dun na lang kayo mag-usap sa may garden sa labas." Dugtong pa nya.
Tumango lang si Mark at napayuko. Pakiramdam ko na-gets nya na lang din naman ang kung ano man ang hindi ko masabi sa kanila. I promised them na ibabalik ko si Luhan, para matuloy na ni tita yung kwento nya saming lahat. Pero after two years, wala pa ring nangyayare, wala pa rin dito si Luhan.
Hinawakan na ko ni Mark sa balikat at sabay na kaming lumabas papunta sa may garden area nila. Umupo na sya sa bench kaya ginawa ko na lang din ang ginawa nya.
"So Mark," tawag ko sa kanya, "ano ba talaga ang gusto mong maging course sa college?"
"Like what my mom said, hindi ko pa rin talaga alam kuya Sehun eh." He replied. "Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang gusto kong maging career."
"Ako dati wala akong freedom para piliin ang gusto kong course nung magco-college na ko." Sagot ko naman sa kanya. "Halos lahat ng aspect sa career life ko si daddy ang nagdesisyon. I took up business administration, pareho kami ni Chanyeol. But ever since I was a child, gusto ko talagang maging doctor. When I was seven years old, nakabangga ako sa isang lamp post habang nagba-bike. Dahil dun nagkaron ako ng malaking sugat sa may thigh ko. Nung dinala nila ako sa hospital they had to stitch up my wound, na-astigan ako dun sa doctor. Ang cool nya para sakin. Kaya pinangarap kong maging doctor."
"Wow edi sana pala may kuya akong doctor ngayon! Ang cool sana nun."
"Bakit hindi ba ko cool para sayo ngayon?" I asked teasingly. "Grabe naman to."
"Anong hindi cool? Sobrang cool mo kuya Sehun." He replied. "Sobrang astig mo para sa kin. K=Kasi kahit halos lahat na sumuko na kay kuya ikaw hindi pa rin tumitigil sa paghahanap."
Na-touch naman ako sa sinabi ni Mark. But I can't continue the topic he just opened up. Baka maiyak lang ako dito. Ayoko naman sirain yung mood.
I was about to ask Mark another random question because it was quiet for a while. But then he started to speak up.
"Kuya Sehun, naalala mo ba yung macaroons na ginawa naming ni kuya dati?"
Tumango lang ako sa tanong nya as a reply. But inside my head I'm laughing because I remembered how much I expected it to taste at least decent, but it was horrible. Really.
"Sabi ko kay kuya Luhan dati parang gusto ko na lang maging panadero, kasi feeling ko nung time na yun ang galing galing ko gumawa nung macaroons. Pero na-realize ko pulbos na yung idea na yun. Sabi sakin ni kuya mag-doctor na lang daw ako, kasi yun din pangarap nya eh. Growing up, palagi nyang nakikita na madalas magkasakit si mama, kaya gusto nya daw maging doctor para may personal doctor si mama. Hindi nga lang natupad kasi hindi naman daw kayang paaralin nila papa si kuya sa med school. Ako na lang daw mag-fulfill ng pangarap nya. Magtatrabaho daw sya ng doble doble para maitaguyod ang Medicine. Sabi ko naman sa kanya baka malosyang sya masyado sa gagawin nya. Pero sabi nya okay na okay lang daw sa kanya. Ang kapalit lang daw nun ay makita nya na may 'D-R' na nakalagay sa pangalan ko."
Then it was silent for about ten minutes. We were just looking at the night sky, looking at the stars. I didn't reply not because what he was saying was nonsense. I didn't reply because I didn't know what to say, but I was touched to know we both shared the same dream of becoming a doctor when we grew up. Pareho kaming lumaki, but separated from the dream we dreamed. Life can be cruel, but it can also be so rewarding.
Ngayon na nalaman ko yun from Mark, parang mas nag-grow yung kagustuhan ko na makabalik ulit samin si Luhan. I want to see him become who he dreamed to be, and I support him all the way. Bukas babalik na ulit ako sa Germany. Unlike dati, ngayon mas may alam na ko sa katotohanan dahil sa mga nasabi sakin ni Baekhyun. I'll bring you down Mr. Ryan Sy, I'll make sure na pagdudusahan mo lahat ng mga ginawa mo.
Maya-maya biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko na to galing sa bulsa ko. Nung tinignan ko it was from an unknown caller. I still got the call dahil baka naman emergency to.
"Hello," I started. "Who's this?"
"Hindi na importante kung sino ako, mas importante ngayon ang lagay n--"
Hindi nya na natapos ang sasabihin nya dahil pinatay ko na kaagad yung call. Isa sa mga pinakaayaw ko eh yung tatawag tapos hindi sasabihin kung sino sya. Kapag ganyan kasi feeling ko palaging prank callers ang mga tumatawag.
I was about to put back my phone in my pocket when I got a short glance with the phone number of the caller. It happened really fast, but I know for sure that it is a phone number from Germany. My heart started to pound really fast. What if it was Luhan?
I called the phone number back.
"Hey is there any chance that you know where Luhan is?" Unang sabi ko pagkasagot nya nung tawag.
"We are in the hospital right now, I'm with him." He replied. "I need your help to get hhin out of here."
To be continued...
______________________
Author: Hi everyone! Pasensya na sa sobrang late na update. Nasa bakasyon kasi ako ngayon hehehe kaya di ako makapag-update. Pero don't worry pauwi na kami sa wednesday. Sa phone lang ako gumawa nitong chapter na to kaya medyo sabaw po kasi di ako sanay. Pinilit ko lang na makapag update kasi baka magalit na kayo hahahaha.
BINABASA MO ANG
He's My Devilish BOSS [boyxboy] [COMPLETED]
FanficHindi ko na maalala kung pano ko naging boss ang dimunyung lalaking ito, at ayoko nang alalahanin pa! Pero para sainyo, sige, aalalahanin ko. Nagkasakit kasi ang nanay ko nung panahon na yun at kailangan talaga namin ni papa magtrabaho. So, nag-appl...