Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero nakita ko siya at nabago ang lahat.
“Baby, ayaw mo talaga akong isama sa party n’yo?” tanong ko kay Ann.
“Hindi talaga puwede, Baby. All girls ‘yon”, sagot niya.
“Hindi ba ako babae?” nakasimangot kong tanong.
Kung sabagay, hindi nga pala ako matatawag na babae. As in babaeng-babae. Ako si April Mariz Villamar-Herher, known to most as Epey Herher. Yes, Herher. Oh, ‘di ba? Ang contradictory ng last name ko sa personality ko? Ako ay isang dakilang tomboy, yohohohohoho. Maikli ang buhok, bilugan ang malalabo kaya laging nakasalaming mga mata, maliit ang mukha, lalaki pumorma, kapwa babae ang gusto pero hindi naman ako ‘yong hard butch ah. Ang tamang description sa akin ay baklang tomboy. Kitang-kita pa din ang feminine side ko. Ako ‘yong tipo ng tao na mako-confuse ka talaga. Like. . .
“Tomboy ba siya?”
“Bakla ba siya?”
That makes me different.
“Eh hindi nila alam na may karelasyon akong babae. Baka isumbong nila ako kay Daddy”, paliwanag niya.
I was like, “Okay.” Three years na kami pero hanggang ngayon hindi niya pa rin ako ipinakikila sa family or kahit man lang sa mga friends niya. Ang saklap, ‘di ba? Well, baka nga naman hindi lang talaga siya proud na ako ang partner niya. Na ako ang tipo ng tao na hindi mo maipagmamalaki talaga. Ang sakit sa puso. Napakasakit, Kuya Eddie.
“Text mo na lang si Janna, mag-bar kayo. Magpasama ka sa kanya. Tapos, after ng party namin mamaya, susunduin kita”, mungkahi ni Ann.
I texted Janna, nagpunta kami sa isang exclusive bar for girls/lesbians. Kababata ko siya, kabaro to be exact. Babae din ang gusto niya, the only difference is that mahaba ang buhok niya. Basta may mga lakaran, lagi siyang nandiyan. Actually, pinsang-buo niya si Dora. Janna the Explorer ang peg, yohohohohoho.
“Epey, wala naman si Ann. Ang daming chicks oh! Ituro mo kung sinong natitipuhan mo, lalapitan ko.”
Pasaway talaga ‘tong si Janna. Ang complicated na nga ng situation naming ni Ann, dadagdagan pa niya.
Nasa isang table lang kami. Nakaupo lang ako habang ang lahat ay sumasayaw. Bakit nga ba ako nandito? Eh hindi naman ako marunong sumayaw. Ayoko din ng mausok at maingay.
“Pambihira naman, Epey! Uupo ka lang talaga diyan? Sayang ang ka-cute-an mo oh, kahit sino magkaka-crush sa ‘yo. Dali na! Samahan mo na ako umikot-ikot. Makipagkilala ka! Have fun!” yaya ni Janna.
Medyo tipsy na siya, ang ingay-ingay na nga, ang harot-harot pa. Nakaupo pa din ako, tanging paningin ko lang ang pagala-gala. Hanggang sa may nahagip ang aking mga mata. May nakita akong isang babae na talaga namang mapapa-second look ka.
Ang ganda niya, napakaganda niya. Naka-black dress siya, high heels, mahaba ang buhok, maganda ang mata, matangos ang ilong, at super-duper mega uber pula ng mga labi niya. At ang isa sa pinakanapansin ko talaga ay ang dibdib niya. Geez! May espiritu na yata ng alak ang katawan ko. Kung anu-ano na ang napapansin ko.
“Mukhang malagkit ang tingin mo sa isang ‘yon ah", puna ni Janna. Maganda nga sana kaya lang may jowa na”, tumatawa nitong sambit. Napakamapang-asar talaga.
Doink! Dahil sa sobrang naka-focus lang ako sa magandang babae, hindi ko napansin na may kasama pala siya. May boyfriend siya or should I say tomboyfriend pala. I must say, dahil sobrang sweet nila sa isa’t-isa. Nagyayakapan sila. Pero, teka! Bakit habang nakayakap ang girl sa partner niya, nakatingin siya sa ‘kin? Oh, my God! She’s staring at me. At no’ng nag-smile siya, boom! Naloko na! I caught myself smiling back at her. Walang kamalay-malay ang partner niya na habang niyayakap siya ng girlfriend niya, nakikipagtitigan ito sa iba. Ang bongga, ‘di ba?
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...