How to be Friends with Someone Who Broke Your Heart?

23.7K 407 125
                                    

Days, weeks, months had passed na parang walang nangyaring breakup. Kung paano niya ako itrato ngayon, parang hindi naging kami. Like walang awkwardness sa side niya. Parang casual lang lahat. Parang gusto kong itanong,

“Bakit ka ganyan?”

“Ipinanganak ka bang walang pakiramdam?”

“Bakit parang hindi mo natatandaan na naging tayo?”

“Bakit parang wala lang ang tatlong taon sa ‘yo?”

“Bakit ako pa ang kinukuwentuhan mo ng masasayang conversation n’yo ng bago mo?”

“Pinaglihi ka ba ng Nanay mo sa salitang “MADAFAKA?”

Nagagalit ako. Tama, nagagalit ako. Pero hindi sa kanya. Hindi rin kay Nina. Nagagalit ako sa sarili ko. Bakit kailangan kong magkunwaring okay lang ako? Bakit kailangan kong magkunwaring hindi ako apektado? Bakit okay lang sa ‘kin na ginaganito ako? Bakit nagpapakatanga ako? Bakit kahit papa’no na umaasa pa din ako na babalik siya? Na hindi sila magtatagal ni Nina? Na iniisip ko na mahal niya pa din ako kasi hindi pa siya umaalis? Na ang dami-dami namang lugar pero mas gusto niya sa bahay mag-rent?

Bakit? Bakit ang daming bakit sa mundo? Yohohohohoho.

“Baby”, mahinang tawag sa ‘kin ni Ann habang kumakatok siya sa pintuan.

“Oh? Anong nangyari sa ‘yo?” nag-aalala kong tanong. Hindi siya nagsalita. Niyakap niya ako ng sobrang higpit at humagulhol sa balikat ko. I miss that hug. As in, super-duper mega uber. One of the best feelings? ‘Yong niyayakap ka ng pinakamamahal mo.

“Bakit?” I asked again.

“Si Nina kasi. . . Hindi nagti-text. Sobrang nami-miss ko na siya”, humihikbi niyang sabi.

Aba, matindi! At talagang sa ‘kin mo pa ‘yan sinasabi? Umiiyak ang puso ko. Masakit, napakasakit! ‘Yong tipong sugat-sugat na nga, nilagyan mo pa ng asin. Hindi rock salt ah, iodized salt na pinung-pino. Mahapdi, nakapahapdi! Meron tuloy akong naisip na bagong kasabihan. “Puso mo ay hahapdi kapag nagmahal ka ng malandi.” Yohohohohoho.

“Magti-text din ‘yon, ano ka ba? Baka meron lang ginagawa”, basag ang boses kong alo sa kanya. Pinunasan ko ang kanyang luha at pinisil-pisil ko ang kanyang ilong na madalas ko dating ginagawa.

“Smile na, dali”, pilit ang ngiti kong sabi.

Ting!

“’Yan na! Nag-text na”, halos mapatalon sa tuwang sabi ni Ann sabay talikod sa ‘kin.

“You’re welcome”, bulong ko sa sarili.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon