Pampam, the Talking Dog

12.1K 192 5
                                    

Kanina pa ako nakauwi pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Paikot-ikot lang ako sa kama, nakangiti mag-isa. Nagpaltos ang paa ko dahil sa pagsusuot ng heels ni Mej pero it’s worth it. Hanggang ngayon, ang dami ko pa ding kilig.

“Pampam, sa tingin mo, gusto niya din kaya ako?” tanong ko sa aso ko pero sa halip na sumagot, tiningnan niya lang ako ng blangko.

“Pam, gusto niya din ako, ‘di ba?”

Baliw ba akong maituturing kung hinihintay kong magsalita ang aso?

“Pampam!” tila nangangarap kong sabi. “Gusto ko siya, gustung-gusto ko siya.”

“Gusto ka din niya kaya matulog ka na”, kunwari ay sagot ni Pampam, iniba ko ang boses ko, ginawa kong boses aso. Yohohohohoho! Ayaw niya kasi sumagot kaya kinakausap ko na lang ang sarili ko.

“Totoo?” muli kong tanong sa aso ko.

“Totoo. Totoong nababaliw ka na. Confirmed! In love ka!” sagot ni Pampam.

“Paano mo naman nasabing in love ako?” tanong ko sa aking pinakamamahal na aso.

“Tingnan mo ‘yang mga mata mo, kumukuti-kutitap”, pang-aasar ni Pampam. “At ‘yang mga ngiti mo, abot-tenga”, dugtong niya.

“Talaga?” muli kong tanong.

“Oo, Peypey. Talagang-talaga”, sagot ng aso ko.

“Sa tingin mo, gusto niya din kaya ako?”

“Ano bang nafi-feel mo?” tanong ni Pampam.

“Feeling ko, oo!” kinikilig kong sagot.

“’Yan ang isang side effect ng pagiging in love”, sabi ng aso ko. “Nagiging feelingera! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf!” dugtong niya habang tumatawa.

Am I in love? I think I am. I feel like writing a song.

And every time I am with you ♫ ♬

The more my heart feels that I love you ♫ ♬

Aba’y akalain mo nga namang nakaka-two lines na ako. Songwriter na naman ang peg ko, yohohohohohoho.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon