“Pey, may maganda ulit akong nakita. Tara! Dapat this time lapitan mo na ah”, pambubugaw ni Janna. “Kasi kung hindi, babatukan na talaga kita.
“Alam mo, tigilan mo ‘ko”, medyo naiinis kong sagot.
Napansin siguro niyang medyo nag-iba ang timpla ko.
“Huwag ka na sumimangot, hindi na kita irereto sa iba”, seryoso ang mukhang sabi ni Janna.
“Lahat naman ng bagay, napag-uusapan. Besides, kaya naman kitang pagtiyagaan”, malandi nitong sabi habang iniikot-ikot ang pointing finger niya sa labi ko.
“Kadiri ka!” nanlalaki ang mga mata kong sambit sabay tanggal ng daliri niya sa labi ko.
“Oh, bakit affected ka?” natatawa niyang tanong. Aliw na aliw siya kapag alam niyang naaalibadbaran ako sa pinaggagagawa niya.
Nag-transform na naman si Janna. Sinakop na naman ng malanding multo ang katawan niya. “Alam na ng buong sambayanang Pilipino na may gusto ka sa ‘kin. Buong sambayanang Pilipino, Pey, buong sambayanang Pilipino.”
“Aayos ka ba o uuwi na ako?” pagbabanta ko.
“Heto na nga, aayos na”, sagot ni Janna. Ngunit muli na naman siyang nag-transform.
“Taphos, uuwhi nah tayoh. Pagdathing nahtin sah bahay n’yoh, dihdihrhetso tayoh sah kuwartoh moh. . .”
[TRANSLATION: Tapos, uuwi na tayo. Pagdating natin sa bahay n'yo, didiretso tayo sa kuwarto mo. . .]
“Hi, Baby.” Hindi ako maaaring magkamali. Ang nagmamay-ari ng boses na ‘yon ay si Ann, ang pinakamamahal kong si Ann.
“Hey!” tuwang-tuwang kong bati sa kanya.
“Nag-enjoy ba kayo ni Janna?” ngiting-ngiti niyang tanong.
“Alam mo namang nag-e-enjoy lang ako kapag ikaw ang kasama ko”, lambing ko sa kanya sabay pisil ng ilong niya. I love doing that.
“Janna, hindi ba nambabae ang Baby ko?”, baling ni Ann sa kaibigan ko.
“Hi-hindi, hindi naman”, nauutal na sagot ni Janna.
“Hindi naman masyado”, pabulong niyang sagot sabay kindat sa akin.
Tulog na tulog na si Ann sa tabi ko pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok. I can’t stop thinking about this girl. Ang daming tanong sa isip ko.
Ano kaya kung nilapitan ko siya?
Ano kaya kung hiningi ko ang number niya?
Ano kaya kung single kaming dalawa?
Ugh! Ang daming “Ano kaya?”
Ano kaya kung matulog na ako kasi mas malaki na ‘yong eye bags ko kesa sa mismong mata ko? Yohohohohoho.
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomantizmAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...