“Masaya ka pa ba sa ‘kin?” tanong ni Ann.
“Oo naman. Ano namang klaseng tanong ‘yan?”balik kong tanong sa kanya.
“Hindi ka nagsasawa?”
“Hindi ka naiinip?”
“Hindi ka nagkakagusto sa iba?” sunud-sunod niyang tanong.
“Hmm, let me think”, nagpapa-cute kong sagot.
Sobrang seryoso ng mukha niya. Aba, teka! Parang hindi na effective ang pagpapa-cute ko ah.
“Is there something wrong?” kinakabahan kong tanong.
“Just answer the questions.” Lalong sumeryoso ang mukha niya.
“Nagsasawa? No.”
“Naiinip? Hell, no!”
“Nagkakagusto sa iba? Hmm. . . Siguro nakaka-appreciate ng iba pero not totally nagkakagusto. Why?”
“Um, wala naman. Just asking”, maikli niyang tugon.
“Ang lagay, gano’n na lang ‘yon?” tanong ko.
She gave me a blank stare.
Kiss ko?” lambing ko sa kanya.
She kissed me on the cheek. “Sa pisngi lang talaga? Wala dito?” nakanguso kong tanong.
“Puro ka talaga kalokohan”, matabang niyang sagot sabay talikod sa ‘kin.
“Baby naman eh, dampian mo na ng labi mo ang red kissable lips ko.” Hinabol ko siya at niyakap patalikod.
“Hmm. . . Ang bango naman talaga ng Baby ko oh.” I kissed her on the neck, tapos sa tenga. “I love you, Baby”, bulong ko sa kanya.
Umalis siya sa pagkakayakap ko. Humarap siya sa ‘kin at hinawakan ang angelic face ko, yohohohohoho. Tinitigan niya ako, huminga siya ng malalim at sinabi niya ang mga katagang. . .
“I love you, too.”
Sa apat na salita lang na ‘yon, gumaan ang pakiramdam ko. Pero bakit tila yata iba ang sinasabi ng mga mata niya? Bakit parang may gusto siyang sabihin? Bakit parang may gusto siyang aminin? Ang dami kong tanong. Grrr! I hate this feeling.
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...