Half Pinay, Half Pinoy

13.5K 208 10
                                    

“Nasaan na daw siya, Pey?” tanong ni Krishna na ang tinutukoy ay si Vanessa.

“Malapit na daw siya”, excited ngunit kinakabahan kong sagot.

First date namin ni Vanessa. Double date kasi pinapapunta ni Krishna si Mej.

“How do I look?” tanong ko.                                                                                            

“Poging-pogi, Pey”, sagot ni Krishna na halatang nambobola.

Ting!

“Pababa na daw siya.” Lalong lumakas at bumilis ang tambol sa aking dibdib.

When I saw her, ang tanging nasabi ko sa aking sarili ay. . .

“Finally, magkaka-girlfriend na ako."

“Hi!” matamis ang ngiting bati sa ‘kin ni Vanessa.

“H-hi”, nahihiyang bati ko sa kanya.

“Ano, Pey? Hindi mo ako ipapakilala?” panirang moment na tanong ni Krishna.

“Vanesssa, meet Krishna, friend ko. Krishna, si Vanessa. . . “

“Mahal mo?” mapang-asar na dugtong ng kaibigan ko.

“I heard so much about you”, ayaw-paawat na dugtong ni Krishna.

Nakangiti lang si Vanessa. Napakaganda niya. She is half Pinay, half American. Parang ako, half Pinay, half Pinoy, yohohohohoho.

“Maiwan ko muna kayo.”

“Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ko kay Krishna.

“Si Mej, naliligaw daw. Susunduin ko lang sa Cubao.”

“Huwag na! Huwag mo akong iwan dito”, pigil ko sa pag-alis niya.

“Saglit lang ako. Kaya mo ‘yan, ano ba? Epey pa ba? Saka kailangan ninyong mapag-isa”, pabulong sabay kindat na panunukso ni Krishna.

“Leaving so soon?” tanong ni Vanessa.

“May susunduin lang ako”, sagot ni Krishna.

“Who?” tila naiintrigang tanong ulit ni Vanessa. Nagmi-make face na si Krishna, mukhang humihingi ng tulong, pinandidilatan na ako ng mata.

“Friend niya”, salo ko.

“I see”, sagot ni Vanessa habang naglalagay ng tequila sa shot glass. Phew! Mukhang mapapalaban ako nito.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon