Epey Cullen

12.8K 202 6
                                    

Ting!

“Thank you again for last night”, a text message from Mej.

Hay! Napakasarap mabuhay!

“You’re welcome”, reply ko.

“Kamusta paa mo?” pang-aasar niya.

“Paa ko ba talaga ang nami-miss mo o ako?” nagfi-feeling kong tanong.

“Pareho”, reply niya.

I was like, “Totoo?” Phew! Akala ko tatarayan na naman niya ako. Mali si Ate Guy, may himala! Yohohohohoho.

At unti-unti ngang nag-bloom ang closeness namin ni Mej. Pero ayokong magmadali. Fan ako ng kasabihang, “Slowly but surely.”

“Bakit ang bait mo sa ‘kin?”, tanong ni Mej no’ng minsang niyaya ko siyang mag-food trip.

“Ako, mabait?” tanong ko habang ngumunguya ng isaw. Habang tumatagal, lalo ko siyang nagugustuhan. I find it so amazing na wala siyang arte sa katawan.

“Oo, ikaw”, sagot niya.

“Well. . . To be honest, hindi naman talaga ako mabait”, mahina kong sabi habang dahan-dahan kong nilalapit ang mukha ko sa kanya. “Nangangagat kaya ako”, tila si Edward Cullen kong sabi at kunwari ay kakagatin ko siya sa leeg. “Rawr!”

“Epey!” tili ni Mej na halatang nakiliti sa ginawa ko.

“Rawr!” akmang kakagatin ko na naman siya.

“Epey naman eh, isa”, natatawa niyang saway.

“Sabi ni Krishna, gusto mo daw ako. Totoo?” naging seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa mga mata ko.

“She lied”, tanggi ko.

“Hindi mo ako gusto?” kitang-kita ko ang disappointment sa mukha niya.

Pero sa halip na magsalita, isang matamis lang na ngiti ang isinagot ko at hinawakan ko ang kanyang magandang mukha. “The truth is. . . Hindi lang pagkagusto ang nararamdaman ko para sa ‘yo. I think. . . I think I’m starting to fall for you.”

Those were the last words I said to her. ‘Yong friendship na unti-unti ng nadi-develop, ‘yong closeness na unti-unti ng nagbu-bloom, biglang naglahong parang bula.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon