“Oh! Dali na, Pey! Tinanggal na ‘yong yakap sa jowa niyang mataba. Sundan mo na, magsi-CR oh! Go! Pagkakataon mo na!” udyok ni Janna.
“Sira ka ba? Nakita mo na ngang may partner ‘yong tao. Saka, hello? May girlfriend ako. Kahit gano’n si Ann, mahal na mahal ko ‘yon”, sagot ko.
“Ang tanong, mahal ka ba?” pang-aasar ni Janna.
‘Yan ang malaking tanong. Mahal nga kaya talaga ako ni Ann? A part of me says YES. Kasi hindi naman kami tatagal ng tatlong taon sa iisang bahay kung hindi. Kasi hindi naman siya papasok sa isang relasyon kahit alam niyang maraming against kung hindi. Pero dahil sa pang-aasar ng napakabuti kong kaibigang si Janna, napaisip ako. Baka nga hindi? Or hindi na? Kasi ayaw niya akong ipakilala sa mga friends niya? Kasi tinatago niya ako sa family niya? Ugh! It is so hard to weigh things. Pero dahil pinaglihi ako sa optimism ng Mama ko, positive thinking lang dapat para masaya tayong mga Pilipino, yohohohohoho.
“At talagang nakatanga ka lang diyan? Bahala ka nga, ako na lang ang susunod sa CR. Kukunin ko number ah! Sasabihin ko pinapakuha mo”, nakangiting sabi ni Janna.
Ayaw talaga tumigil ng loka. Sino ba talaga ang may gusto sa girl na nakita namin? Ako o siya? Wait! Did I say gusto? Hmm, do I like her? Like agad? Agad-agad? Hindi ba puwedeng crush muna?
Nahihilo na ako. Medyo napaparami na ang naiinom ko. Kanina ko pa tine-text si Ann pero wala akong nari-receive kahit man lang isang reply.
Kamusta kaya ang party nila?
Behave kaya siya?
Iniisip niya kaya kung anong ginagawa ko sa mga oras na ‘to?
Nagwu-worry din kaya siya kung behave ako?
“Pey, ayaw ibigay! Ang suplada!” humahangos na reklamo ni Janna.
Yohohohohoho! Ang dami kong tawa sa kaibigan ko.
“Buti nga sa ‘yo”, pang-aasar ko.
“Feeling ko, ikaw talaga ‘yong hinihintay niyang humingi eh”, hirit niya.
“Alam mo, tigilan mo na. Pumunta tayo dito para magsaya, hindi para mambabae, ano ba?” nangingiti kong sermon.
Maya-maya, bigla akong hinatak ni Janna.
“Ito na ‘yon, Pey! Ito na talaga!”
“Huh? Saan ba tayo pupunta?” nagtataka kong tanong habang kinakaladkad ako ni Janna.
“Basta! Wala ng madaming tanong.”
“Ano ba kasi ‘yon?”
“Nakikita mo ‘yong maitim na babaeng naka-neon na damit na hindi mo maintindihan ang hitsura? Kasama ‘yon ng babaeng suplada sa CR kanina. Sa kanya natin hihingin ang number niya.”
Sinundan namin sa labas ‘yong kasama daw ng babaeng suplada. . . na maganda. Yohohohohoho.
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...