Ting!
May nag-text sa kin. Form ng text clan.
“Clan?”
“Sino ‘to?”
“Paano niya nalaman ang number ko?” sunud-sunod kong tanong sa sarili.
“Mukha ka ba na tinubuan ng kunot na noo o kunot na noo ka na tinubuan ng mukha?” natatawang tanong ni Janna.
“May nag-text kasi sa ‘kin.”
“Nasabi ko na ba sa ‘yo na hindi ako bingi at narinig ko na tumunog ang phone mo?” Juice colored. Napakapilosopo talaga nitong kaibigan ko.
“Ano? Sino? Bakit? Paano? Buntis daw siya? Pananagutan mo ba? Sabihin mo wala siyang ebidensiya na ikaw talaga ang ama. Pa-DNA test muna sila”, sunud-sunod na pang-aasar ni Janna.
“Makakausap ba kita ng maayos o uuwi ka na?”
“Oh, sige. Hindi na. Ito naman. Para pinapatawa lang kita eh. Alam mo namang ang cute-cute-cute mo kapag nakangiti ka”, pambobola ni Janna habang pinipisil-pisil ang pisngi ko.
“Tigilan mo ‘ko, hindi tayo talo”, nagru-rolling eyes kong sabi.
“Excuse me, Epey Herher. Naka-move on na ako sa ‘yo. Tanggap ko na ang katotohanang langit ako at lupa ka lang”, maarte nitong sabi.
“Kung lupa ako, lamang-lupa ka”, ganti kong pang-aasar.
“Diwata ako, Pey, diwata”, naka-pose pang sabi ni Janna.
“Alam mo, ang sagwa”, pambabara ko.
“If I know, naaakit ka sa alindog ko”, mapupungay ang mga matang pang-aakit ni Janna.
Ngiti at iling na lang ang tanging naisagot ko sa kanya. Alam kong wala na namang katapusan ang kalokohan niya kung sasagot pa ‘ko.
“Oh, sino na ngang nag-text?”
“Hindi ko alam eh, number lang.”
“Nagpapa-Pasaload?” nang-aasar pa din niyang tanong.
“Text clan daw.”
“Ahhhhhhhhhhh!” tumutunga-tungang sabi ni Janna.
“Ano ‘yon?” kunwari ay nagtataka niyang tanong.
Ang ganda kausap, ‘di ba? Ang gandang ibaon sa lupa. Yohohohohoho.
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomantizmAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...