Prospect Number 5: Celine

14.5K 230 30
                                    

Nakilala namin siya nang magpunta kami ni Janna sa Puerto Galera. An 18-year-old Canadian, nagbabakasyon siya kasama ang family niya.

“Pey, ang ganda niya”, manghang-manghang sambit ni Janna. “Sa likod mo, Pey, sa likod mo.”

Paglingon ko, natulala ako sa aking nakita. Nakatutulala ang kanyang ganda. Para siyang anghel na bumaba sa lupa. She’s beyond beautiful, as in! Sobra!

“Ate, kunin mo ‘yong number no’ng foreigner”, utos ni Janna sa babaeng nag-serve sa ‘min ng pagkain.

“Bakit hindi ikaw ang kumuha?” natatawa kong tanong.

“English ‘yan, Pey. Alam mo namang don’t English me, I’m panic”, kamot-ulo niyang sagot.

“Ma’am, wala daw po siyang cellphone”, sabi ng babaeng inutusan ni Janna.

“Kasinungalingan, Ate. Isa ‘yang malaking kasinungalingan. Pey, nagsisinungaling siya. Nakita ko, Pey, nakita ng dalawang mata ko, may hawak siyang phone kanina. 3310, Pey, 3310!”

Best in declamation siguro ‘tong si Janna no’ng nag-aaral siya. Yohohohohoho.

“Ako’ng kukuha”, I volunteered.

“Pey, nilalagnat ka ba?” akmang hahawakan ni Janna ang noo ko pero bago pa siya makalapit. . .

“Hi, I’m Epey”, tila nabibigla kong sabi sabay abot ng aking kamay sa napakagandang babae sa harapan ko. After kong sabihin sa kanya ang mga katagang ‘yon, bigla akong natauhan. Parang gusto kong maglaho sa kinatatayuan ko. Nakahihiya, sobrang nakahihiya ang ginawa ko. That was the very first time I did that. Nakita ko kasing paalis na siya kaya nag-panic ako. Baka kasi maulit na naman ang nangyari kay Jane. At least bago siya mawala sa paningin ko, nakapag-hi ako.

“Hey, I’m Celine”, matamis ang ngiti niyang sabi.

OMG! Thank you, Lord! Napakasarap mabuhay! Hindi ko akalaing kakausapin niya ako at aabutin niya ang kamay ko, phew!

“I like it here. We used to visit Philippines every year. . .”

Ang dami pa niyang sinabi na hindi ko na naintindihan. Basta ang sabi niya, Canadian siya, kaka-debut lang niya at kung anu-ano pa. Nang bumalik na ako sa realidad, kausap na ni Celine si Janna pero hawak ko pa din ang kamay niya.

“Pey, bitawan mo na. Para kang linta kung makakapit ah”, bulong sa ‘kin ni Janna.

“I-I’m sorry”, nalulubol kong sabi.

“It’s okay”, nakangiti pa ding sabi ni Celine. “I’ll see you, guys, later. Nice meeting you, Janna, Epey. Text me, okay?”

Wait, what? Text? Oh, my God! Oh, my God! What did I miss?

“Epey, in-English ko si Celine. Sabi ko sa kanya, “Hey, Celine. Give me your number. You and Epey and also me will text mate each other”, nagmamalaking sabi ni Janna.

“’Yon talaga ang sinabi mo?” nanlalaki ang mga mata kong tanong.

“Yes, my friend. She’s very happy to say me to her.”

Ano daw? Hindi ko alam kung seryoso ba si Janna o seryoso siya sa English niya. Yohohohohoho.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon