Sobrang sakit. Alam mo ‘yong pakiramdam na kung gaano ka niya napasaya, doble ‘yong sakit na kapalit. Gusto kong sumigaw sa ilalim ng dagat. ‘Yong tipong mga isda lang ang makaririnig. Ganoon kasi ang ginagawa ko noong bata ako. Sa isang isla kasi ako lumaki. Yes, probinsiya. Lumipat lang kami ng kapatid ko sa Manila no’ng nag-college ako and after graduation, nakahanap ng trabaho.
Noong bata ako, kapag pinagagalitan ako ng Mama ko, ng Nana ko, o ng Lolo ko, tumatakbo ako sa dagat. Doon ako umiiyak. Doon ako sumisigaw ng pagkalakas-lakas. Para walang nakakikita, walang nakaririnig, walang nakahahalata kasi pag-ahon ko sa tubig, basa na ‘yong mukha ko. Hindi nila mapapansin na may luha pala ako. Na ang iisipin nila, kaya namumula ang ‘yong mga mata ay dahil adik ka, yohohohohoho. Charaught! Kaya namumula ang ‘yong mga mata ay dahil sa maalat na tubig. Na ang iisipin nila, habang nasa ilalim ka, nakadilat ka. Pag-uwi ko ng bahay, mapapagalitan na naman ako dahil basang-basa ang damit ko. Pero I think, charaught lang nila ‘yong basang damit.
“Bakit basa ka na namang bata ka?”
“Bakit naliligo ka sa dagat mag-isa?”
“Paano kung malunod ka?”
“Paano kung tangayin ka ng alon at hindi ka na naming makita?”
Oh, ‘di ba? Kaya nagagalit sila ay dahil nag-aalala sila para sa kaligtasan ko. Sweet, though.
“Friends?” tanong ni Ann sabay abot niya sa ‘kin ng kanyang kanang kamay.
‘Yan ang pinakamasakit na tanong na narinig ko.
I was like,
“Puwede bang ipasuntok mo na lang ako kay Manny Pacquiao? ‘Yong tipong unlimited punch habang pinapasipa mo ako kay David Beckham?”
“Puwede bang ipa-karate mo na lang ako kay Jackie Chan habang pinapalo ako ng bat ni Babe Ruth?”
“Friends”, walang kakurap-kurap kong sagot habang nakikipagkamay ako sa kanya.
That was the most stupid lie I have ever said in my entire life. How can I be friends with someone who just broke up with me? How can I be this stupid?
“Don’t worry, dito pa din naman ako titira. Palagi mo pa din akong makikita. Ako na lang ang uupa sa kabilang kuwarto pero wala ng one month advance, one month deposit ah”, nakangiti niyang sabi.
Anong kalokohan ‘to? Bakit parang wala lang sa kanyang nasasaktan ako? Bakit parang hindi big deal sa kanya ‘yong mararamdaman ko araw-araw na makikita ko siya? Paano kung papuntahin niya sa bahay si Nina? Anong gagawin ko? Nganganga?
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...