“Puwede mo ba akong samahan tomorrow?” text ko kay Krishna.
“Sure, saan?” reply niya.
“Sa bahay nina Mej.”
“Mamamanhikan ka na?” tanong niya.
“Sira, dadalawin ko lang siya.”
“May sakit ba?” nagbibirong tanong ni Krishna.
“Eh kung saktan kaya kita?” lambing ko.
“Sa una lang naman masakit, ‘di ba?” pang-aasar ni Krishna. “Dahan-dahanin mo lang, Pey, huh?” malandi niyang dugtong.
“Sira ka talaga”, natatawa kong reply. “So, pa’no? Tomorrow?”
“Kailan ba ako tumanggi sa ‘yo? Alam mo namang malakas ka sa ‘kin, ako lang naman ang mahina sa ‘yo.”
Kinabukasan. . .
“Dito ka lang muna, Pey”, sabi ni Krishna. Ako muna ang pupunta sa kanila. Baka kasi mag-freak out kapag nakita ka”, dugtong niya.
“Mag-freak out talaga?” napapailing kong tanong.
“Basta! Dito ka lang muna. Iti-text kita kapag puwede ka ng magpakita para bongga. Dapat romantic ang entrance mo ah”, kinikilig na sabi ni Krishna.
“Teka, saan ba ako pupunta?” tanong ko.
“Do’n sa yellow gate”, paalala niya.
“Yellow gate, okay”, sagot ko sabay buntong-hinginga ng pagkalalim-lalim.
“Wait!” pigil ko nang akmang aalis na si Krishna.
“Ano na naman?” nabibitin ang excitement niyang tanong.
“How do I look?” tanong ko sa kanya habang hinahawi ko ang aking buhok.
“Pogi, Pey. Okay?” pampalubang-loob niyang sagot.
“Okay.”
Iniwan niya ako sa pinakamalapit na convenience store sa bahay nina Mej. I was wearing a blue polo, maong pants, and sneakers. One more thing, I am holding a bouquet of roses. Geez! That awkward moment when everyone is looking at you because you’re holding flowers.
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...