“Lakad-lakad din ng ayos, ano po?” sabi ni Krishna sa paika-ikang si Mej.
“Sobrang sakit na talaga ng paa ko”, reklamo niya.
“Wushoo! Gusto mo lang magpabuhat kay Epey eh”, pang-aasar ni Krishna.
“Ang payat-payat niyan, hello?” sabi ni Mej na halatang nahihirapan talaga sa paglalakad.
“Makapayat ka naman!” reklamo ko. “Gusto mong ipakita ko sa ‘yo maskels ko?”, tila bodybuilder kong dugtong.
“Maskels talaga, Pey?” natatawang tanong ni Krishna.
“Oo”, nakangiti kong sagot. “Maskels sa paa”, dugtong ko habang tinatanggal ang aking sneakers.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Mej.
“My Sassy Girl Rule #9”, sagot ko sa tanong niya sabay abot ng sapatos ko. “If her feet hurt, exchange shoes with her.”
Pareho silang napanganga ni Krishna.
“Sigurado ka? Kaya mong mag-heels? Ang taas nito. Saka ang haba pa ng lalakarin natin”, sabi ni Mej.
“Hindi ako gagawa ng isang bagay kung alam kong hindi ako sigurado”, matamis ang ngiting sabi ko.
Gulp! Mukhang napasubo yata ako. Phew! Hindi ako nakainom pero daig ko pa ang lasing. Pa-zigzag ako kung maglakad.
“Kaya pa, Pey?” pang-aasar ni Krishna.
Kaya ko sila pinuntahan ay para alalayan si Mej pero parang baligtad ang nangyari. Siya ang umaalalay sa ‘kin sa paglalakad. Ayie, yohohohohoho. Ang dami kong kilig.
“Thank you, Epey”, matamis ang ngiting sabi ni Mej pagdating namin sa harap ng bahay nila.
“No worries”, mas matamis ang ngiti kong sagot.
“So. . .” sabi niya.
“So”, titig na titig ako sa mga mata niya. I feel like kissing her.
“Anong so so?” pambabasag ni Krishna. “Mga bastos!” pabiro niyang dugtong.
“We have to go”, napipilitan kong sabi kay Mej. Ayoko pang umuwi, gusto ko pa siyang makasama kahit puro “SO” lang ang sinasabi namin sa isa’t-isa, yohohohohoho.
“Uuwi ka na talaga?” tanong ni Mej.
“Yeah!” tila nagpapapigil kong sagot.
“Sure ka?” nakangiti niyang tanong.
“Pipigilan mo ba ‘ko?”, pagpapa-cute ko.
“No. Kukunin ko lang sana ‘yong heels ko. Palit na tayo.”
Hashtag! Asaness! Yohohohohoho. [#asaness]
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...