Phew! This is the moment of truth. Here I am, approaching her. She’s texting. Napakatamis ng mga ngiti niya. Hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses na nakita ko siya na may ganoong klaseng ngiti habang ako ang kausap niya. That was a very long time. Parang long time ago in Bethlehem pa, yohohohohoho.
“Baby”, halatang nagulat na sabi niya nang makita niya ako.
“Hi”, matabang na bati ko sa kanya.
Katahimikan. Isang napakahabang katahimikan.
“We need to talk.” Magkasabay pa kami sa pagsasabi ng mga katagang ‘yon.
“Ikaw muna”, she said.
“Ladies first”, sabi ko.
“Okay.” Ahem, she cleared her throat.
“Look”, she continues. Huminga siya ng malalim habang ako, nakatingin lang sa kanya ng blangko. Wala pa siyang sinasabi pero nadudurog na ang puso ko. Sumasakit na ang lalamunan ko dahil pinipigilan ko ang sarili kong maiyak. I was like, “Kalma, Pey, kalma! Wala pang sinasabi, ano ka ba?”
“There’s this girl”, simula niya.
“Well, she’s so amazing. She makes me happy. She’s. . . Basta! Ewan ko, hindi ko alam kung kailan o papa’no nagsimula. Basta nagising na lang ako isang umaga na. . .”
“Enough. I got it”, putol ko sa kung ano pa mang sasabihin niya.
“What’s her name?” I asked.
“Nina.”
Anak ng meant to be naman talaga oh. Kapangalan pa ng isa sa mga favorite singers ko. Parang gusto ko siyang kantahan ng Jealous.
La la la la la la la ♫ ♬
She’s a very, very lucky girl ♫ ♬
Pero parang gusto kong palitan ‘yong la la la la ng hu hu hu hu. Gusto kong palitan ng bitchy ‘yong lucky. Like. . .
Hu hu hu hu hu hu hu ♫ ♬
She’s a very, very bitchy girl ♫ ♬
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...