Sabi nga sa kasabihan, kapag may nawala daw, may papalit na mas maganda. At nakilala ko nga si Krishna. Para siyang si Janna. Kalog din, masayang kasama, at higit sa lahat hindi kami talo.
“Ito, Pey, bet mo?” tanong ni Krishna habang nagba-browse ng pictures ng magagandang babae sa phone niya.
“Maganda.”
“Ito?”
“Mas maganda.”
“How about her?” nakangiti niyang tanong.
“Yum!”
“Sira ka talaga”, natatawa niyang sabi. “Alam ko na, ito talaga”, excited na sabi ni Krishna. “Pey, best friend ko ‘to, tingnan mo oh! Parang bagay kayo.” Ipinakita ni Krishna ang picture ng isang cute na nilalang.
Napangiti ako.
“Oh ‘di ba? Alam ko ‘yang mga ngiting ganyan”, panunukso ni Krishna.
“Kaya lang. . .” dugtong niya.
“Kaya lang?” na-curious kong tanong.
“Nagpapaka-straight na siya. Masyado kasing nasaktan sa ex niyang shomboy eh. Meron na siyang ka-MUng lalaki ngayon.”
“Seyeng nemen”, medyo nanghihinayang kong sambit.
“Um, sino pa ba?” tuloy pa din siya sa pag-browse ng pictures sa phone niya.
“Ay! May ipapakita pala ako sa ‘yo! Pero hindi ito kasama sa choices ah. Akin ‘to, Pey, akin. Ipapakita ko lang”, tila nagdadalawang-isip na sabi ni Krishna.
“Okay”, natatawa kong sagot.
“Si Mej”, halatang kinikilig na sabi ni Krishna. “Kaka-break lang nila ng jowa niya, so ‘yon. Butch ‘yong ex niya pero gusto niya daw i-try ang femme to femme. Gusto niya daw i-try sa ‘kin”, kinikilig pa din niyang dugtong.
“Cool”, naa-amaze kong komento.
“I so love Mej talaga”, ayaw pa din paawat na sabi ni Krishna.
Mej. I think I know her. Parang nakita ko na siya somewhere. She looks so familiar o baka naman kamukha lang.
After a year na sugatan ang aking pihikang puso, I can say na naghilom na ang sugat na nilikha ni Ann. Naka-move on na ako. Handa na ulit akong magmahal.
Teka! Naka-move on na ba talaga ‘ko? Isang malaking tanong pero mas malaki ang sagot ko. “OO.” All caps para intense, yohohohohoho.
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...