Prospect Number 4: Angel

14.6K 228 9
                                    

Bagay na bagay ang pangalan niya sa napakaamo niyang mukha.

Mapungay ang mata? Check! (✓)

Cute little nose? Check! (✓)

Manipis ang labi? Check! (✓)

The thing that I like most about her is that she’s wearing braces. Ewan ko ba pero I find it so attractive, hihi. Nag-aaral siya sa isa sa mga pinakasikat na universities sa bansa. Yes, siya ay isang kolehiyala. Isang napakagandang kolehiyala.

Good news, single siya. Bad news, hindi pa siya nakaka-move on sa ex niya.

Wala akong naririnig sa kabilang linya kundi ang paghikbi niya.

“Okay ka lang ba?” Kahit ako, alam ko na ang sagot sa tanong ko.

Umiiyak pa din siya. “Si Alex kasi”, mahina niyang sabi.

“Ano ba kasing nangyari?”

“Nakita ko ‘yong Facebook niya. Naka-in a relationship na siya sa iba.”

“Bakit mo pa kasi tinitingnan ang isang bagay na alam mong masasaktan ka lang?”

Tanging mga hikbi lang ni Angel ang naririnig ko sa kabilang linya.

Alam kong mahal na mahal pa din niya ang ex niya. I know the feeling. I’ve been there.

“Bakit kaya hindi mo rin palitan ang relationship status mo?” tanong ko.

“Anong ilalagay ko?” balik niyang tanong.

“Widowed.”

Narinig ko ang matipid niyang tawa sa kabilang linya.

“Or kaya naman separated? Or divorced? Or just broke up? Puwede ring it’s over but only one of us knows it? O kaya naman broken up, together again, broken up, together again? Or puwede rin namang it’s complicated. No, I mean really complicated”, pang-aasar ko.

“Puro ka talaga kalokohan.” Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong napapangiti siya.  

“Alam mo para masaya tayong mga Pilipino, kakantahan na lang kita.”

Ayokong nalulungkot siya. Doble ang lungkot na nararamdaman ko kapag gano’n siya.

A ♫ ♬ Bm ♫ ♬ c#m ♫ ♬ D ♫ ♬ A ♫ ♬ E ♫ ♬ D ♫ ♬ A ♫ ♬ E ♫ ♬

Patatawanin kita ♫ ♬

‘Pag ‘di ka masaya ♫ ♬

Akala ko okay na siya pero biglang lumakas ang paghikbi niya. Poor Angel, I wish I could hug her.

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Ramdam ko ang hirap na pinagdaraanan niya. Ramdam ko ang bigat na dinadala niya. Hindi ko namamalayan, unti-unti na ding pumapatak ang luha ko.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon