“11 na, mag-ingat ah”, text ni Angel. “Excited na silang makilala ka.”
“Opo”, reply ko.
From San Juan City to Marilao, Bulacan, kamusta naman? Yohohohohoho.
“Saan ka na?” tanong niya.
“I’m on my way”, reply ko.
Nasa bus na ako pero nagdadalawang-isip pa din talaga ako kung tutuloy ako. Parang gusto ko na ayoko. Argh! Please tell me what to do!
Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumanib sa aking katawan at bigla kong pinatay ang phone ko at bumaba ako sa Caloocan. My heart has finally decided. Hindi si Angel ang gusto kong makita ngayong gabi, si Mej.
“Ano’ng ginagawa mo dito?” gulat na gulat na tanong ni Mej pagbukas niya ng gate.
“Gusto ko lang sanang mag-good night sa ‘yo”, sagot ko.
“Anong oras na oh? Anong nakain mo?” nakangiti niyang tanong. “Halika, pasok ka”, yaya niya.
“Hindi na, uuwi na din ako. Gusto ko lang talagang mag-good night sa ‘yo.”
“Mama!” tawag ng isang batang pupungas-pungas.
I cannot believe my eyes. Kamukhang-kamukha ni Mej ang batang tumawag sa kanya ng Mama, lalaking Mej, yohohohohoho.
“Hi!” nakangiti kong bati sa kanya.
“Hi!” humihikab niyang sagot.
“Anong name mo?”
“Kobe po.”
“Magaling ka bang mag-basketball?” tanong ko.
“Opo”, sagot niya.
“Sabihin mo sa Mama mo, minsan labas tayo. Basketball tayo”, yaya ko.
Hindi sumagot si Kobe pero isang mahigpit na yakap ang natanggap ko. Taray! Happy family! Mama, isa pang Mama, at baby. Yohohohohoho.
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...