Prospect Number 2: Miranda

16.6K 242 3
                                    

She’s a freelance model. Ano pa bang ie-expect natin sa isang model? Siyempre matangkad, hihi. She’s very pretty, maliit ang mukha, chinita, matangos ang ilong, manipis ang labi. I like her teeth. Pero hindi masyado ‘tong tits, oops! Yohohohohoho.

“Good morning, Honey. Pictorial today, give me a beep when you wake up”, a text message from Miranda.

She always does that. She calls me “Honey.” Ang sweet ko daw kasi. That’s what I like most about her, siya ‘yong laging unang nagti-text.

“Maganda ka pa sa umaga”, reply ko. Nakangiti ako habang nagta-type ng message na isi-send sa kanya. She makes me smile. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakakangiti na ako ulit. As in ‘yong totoong ngiti.

“Parinig muna ng boses mo bago kami isalang”, nagpapa-cute niyang request.

I answered her call.

“Eh? Bakit hindi ka nagsasalita?” tila nagtatampo niyang tanong.

Pinipigilan ko ang pagtawa.

“Honey naman eh, isa!” nagbabanta niyang sabi.

“Isa, apat, tatlo”, sabi ko.

“In English?” nangingiti niyang tanong. Halatang kinikilig siya sa kabilang linya.

“Paumanhin subalit hindi ako marunong mag-Ingles. Alam mo namang ako ay purong Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.”

“Dali na!” sabi niya.

“I’ll talk to you later. Have fun sa pictorial”, iwas ko.

“Akala ko ba hindi ka nag-i-English?” natatawa niyang tanong.

“Muli tayong mag-uusap mamaya. Nais kong maging masaya ka sa gaganapin ninyong. . .”  

Teka! Ano nga ba ang tagalog ng pictorial?

“Sa pagkuha ng iyong mga larawan”, tila si Francisco Balagtas kong dugtong.

“Niloloko mo naman ako eh, hirap na hirap ka oh. Ang cute-cute-cute-cute mo”, pambobola niya.

Ngumiti lang ako.

“Epey, I like everything about you”, dagdag ni Miranda.

“Baka magsi-start na kayo”, putol ko sa anumang sasabihin niya.

Katahimikan. Isang mahabang katahimikan. Tapos isang napakalalim na buntong-hininga. Toot! Wala na ang kausap ko sa kabilang linya.

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon