At Least I Got Her Name

34.7K 513 129
                                    

“Ate, anong pangalan no’ng magandang babaeng may jowang mataba?”

“Gaano na sila katagal?”

“Mahal niya ba talaga ang jowa niya?”

 "Huweh! Parang hindi naman."

“Kaanu-ano mo siya?”

“Bakit hindi kayo magkamukha?”

“Pero ang pinakaimportanteng masagot mo sa lahat, ano ang number niya?” sunud-sunod na tanong ni Janna.

Ang harsh, ‘di ba?

“Ah, si Jane. Kapatid siya ng boyfriend ko. Akin na phone mo, ita-type ko number niya”, nakangiting sabi ng babae na parang hindi naapektuhan sa mga pang-ookray ni Janna.

I see. Jane pala ang pangalan niya. Bagay na bagay sa hitsura niya. So feminine, hihi. Rawr!

“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” pambabasag sa ‘kin ni Janna.

“Hmm? Wala naman, natutuwa lang ako na alam ko na ang pangalan niya”, ngiting-ngiti kong sagot.

“Pangalan pa lang ang alam mo, abot-tenga na ‘yang ngiti mo? Ako, alam ko na ang number ni Jane. Number, Pey, number!” pagmamalaki ni Janna.

“Oh, eh ‘di ikaw na.”

“Akin na phone mo, dali. Isi-save ko.”

“Huwag! Hindi ko rin naman siya iti-text. Wala naman akong sasabihin. Saka baka makita ni Ann. She won’t like it”, tanggi ko.

“Ang KJ! She won’t like it, she won’t like it pang nalalaman. Ewan ko sa ‘yo, dami mong arte sa katawan. Ako na nga lang ang magti-text, makikipagkaibigan ako. Magpapanggap ako na ako ikaw”, ayaw paawat na sabi ni Janna.

“Puro ka talaga kalokohan.”

“Gagawin ko ‘to para sa ikaliligaya mo.”

“Ewan ko sa ‘yo”, napapailing kong sambit sa kalokohan ng kaibigan ko.

Pagbalik namin sa bar, nakita ko na naman ang magandang babae. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tila may mga nag-aawitang anghel sa paligid ko. Mga anghel na kaboses ni Sarah Geronimo na umaawit ng. . .

Can this be love I’m feeling right now? ♫ ♬ 

Yohohohohoho!

Jane, tama. Jane ang pangalan niya. Napakaganda niya talaga. Oh, my God! She’s coming!

Good news! Papalapit nang papalit si Jane. Bad news, hindi sa ‘kin. Papunta sila sa pintuan. Wait, what? Pintuan? Oh, no! Are they leaving?

“Wala na, Pey. Pauwi na. Ikaw naman kasi, ang dami mong arte”, naiiling na sabi ni Janna. “Pero ito talaga, kapag nagkita kayo ulit, para talaga kayo sa isa’t-isa”, dugtong niya.

Wala na si Jane. Just like that? Hindi man lang ako nakapag-hi sa kanya. Teka! Bakit nalulungkot ako? Bakit tila may panghihinayang sa puso ko?

For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon