“Nagte-text ba sa ‘yo si Babe?”, muling tanong ko kay Krishna nang nasa labas na kami ng D”zone. Pero ayaw niyang sumagot. Nakaka-123,456,789 na akong tanong.
Hashtag! Charaught! [#charaught]
“Wala ng madaming tanong, Pey”, reklamo ni Krishna.
“Tara na!” yaya niya.
Isang taon na ang nakararan pero sariwa pa rin sa aking ala-ala ang lahat. Wala pa ring pinagbago ang lugar, mausok pa din, maingay at umuulan ng mga naggagandahang nilalang.
Sa dating upuan ako pumuwesto. Iginala ko ang aking paningin at nakita ko ang pinakamagandang babae para sa ‘kin.
“Lapitan mo na, Pey”, udyok ni Krishna.
“Wait”, pigil ko.
“Oh?” kunot-noo niyang tanong.
“How do I look?” tanong ko kay Krishna.
“Pogi, Pey, pogi”, sagot niya sabay hawi sa buhok ko.
“Okay.” At isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
“Hi”, matamis ang ngiting bati ko kay Mej nang malapitan ko siya.
Pero hindi siya sumagot, tiningnan niya lang ako. She didn’t even smile.
“Who’s with you?” muli kong tanong.
She gave me a blank stare.
“Wanna dance?” yaya ko.
Pero hindi pa din siya nagre-react. Oh, come on!
“I don’t talk to strangers”, mataray niyang sabi.
“Oh, I’m Epey. . . And you are?”
“Yours. I’m yours”, at hinalikan niya ako ng pagkatamis-tamis. “I love you, Babe.”
“I love you so so much”, sagot ko na mula sa kaibuturan ng aking puso. “Wait, ‘yan ba ‘yong damit mo last year nang makita kita dito?”, naguguluhan kong tanong.
“Oo”, sagot niya.
“At ‘yan din ang suot mo nang pangalawang beses na magkita tayo pero hindi natin nakilala ang isa’t-isa, ‘di ba?”
“Oo, Babe, oo”, at niyakap niya ako ng napakahigpit.
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...