“Epey! Nandiyan ka ba?”
“Epey! Alam kong nandiyan ka, napapaligiran kita”, boses galing sa labas.
Kilala ko kung sinong nagmamay-ari ng boses na ‘yon. Hindi ako puwedeng magkamali. Si Janna. Si Janna na naman.
“Long time no see ah”, bungad ko sa kanya pagbukas ko ng pinto.
“Epey, epic fail! Mali, maling-mali!” naghi-hysterical na sabi ni Janna.
Pagpasok niya ng bahay, dumiretso siya agad sa ref at uminom ng dalawang basong tubig.
“Hinga! Kalma! Okay ka lang ba?” nagtataka kong tanong.
“Nandiyan ba si Ann?” tila biglang natauhan niyang tanong.
“Wala, nag-dinner kasama ang family niya”, malungkot kong sagot.
Bumalik na naman si Janna sa paghi-hysterical.
“Hindi si Jane ang ka-text ko. Hindi si Jane, Epey, hindi si Jane”, sabi ni Janna habang walang tigil na niyuyugyog ang balikat ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kanya.
“Eh? Sino pala?”
“Epey! Hindi si Jane, Epey. ‘Yong binigay na number sa ‘tin eh ‘yong sa jowang mataba ni Jane. Inaway ako, Epey, inaway ako. Huwag na daw akong magti-text kahit kailan dahil puputulin na daw niya ‘yong sim. Nag-try akong tumawag pero hindi na nagri-ring. Epey, wala na si Jane. Ang kaawa-awang si Jane, Epey. Kinain na ng lagim”, walang kagatol-gatol na sumbong ni Janna.
Yohohohohoho! Sobrang dami kong tawa.
“’Yan ang napapala ng mga taong. . .”
“Taong ano? Taong handang gawin ang lahat para sumaya ang kaibigan niya? Taong walang iniisip kundi ang ikaliligaya ng iba?” tila si Maricel Sorianong sabi ni Janna.
In fairness, may future siya sa acting. Pero hindi sa drama ah, sa comedy kasi sobrang tawang-tawa talaga ako sa pinagsasasabi niya.
“Tama nga ang kutob mo sa she won’t like it, she won’t like it na ‘yan. Na-she won’t like it tuloy ako ng jowang mataba ni Jane. Mataba, Pey, mataba! Alam mo kapag nakita ko talaga ‘yang nagbigay ng number sa ‘tin, kukutusan ko talaga. Naku, sinasabi ko sa ‘yo, makakatikim talaga siya”, nagbabantang sabi ni Janna.
“Ang tanong, makikita pa ba natin sila?”
A part of me feels sad. Aminin ko man o hindi, medyo umasa ako na one of these days, makakausap ko si Jane. Na one of these days, lalakas din ang loob ko at hihingin ko ang number niya kay Janna. Na one of these days, maiparirinig ko sa kanya ‘yong ginagawa kong kanta. Pero dahil nga epic fail ang ginawa naming pagkuha ng number, wala ng pag-asa. Sobra, as in sobrang nakaka-frustrate talaga.
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...