“Hi!” bati ko kay Mej pagkalapit ko sa kanya.
Pero hindi siya sumagot ng, “Hello!” Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko. “I miss you”, mahina niyang sabi.
“Why?” malungkot ang mukha kong tanong. Ang tinutukoy ko ay ang pag-iwas niya.
“Mamaya na ang drama”, putol ni Krishna. “Let’s get drunk! I-celebrate natin ang pagbabalikan n’yo”, sumasayaw niyang dugtong.
Isang masamang tingin mula kay Mej ang nagpatigil sa pagiging hyper ni Krishna. “Phew! Hindi nga pala naging kayo. Mag-celebrate tayo dahil magiging kayo na!” bawi ni Krishna.
At isa na namang masamang tingin mula kay Mej. . .
“Ewan ko sa inyo! Bahala kayo sa buhay n’yo. Basta mag-celebrate tayo!” ayaw paawat na sabi ni Krishna.
After half an hour ng walang tigil na pag-inom. . .
“Akin na ang kamay mo”, sabi ni Mej.
“Here”, sabay abot ko ng aking kaliwang kamay.
Akala ko iho-holding hands niya ako, yohohohohoho! Madami talagang namamatay sa maling akala, naku!
“Hindi buong kamay, ring finger mo lang”, natatawang sabi ni Mej.
“Sabi ko nga”, medyo napahiya kong sagot.
“Pikit ka”, sabi niya.
“Kuya, huwag po. Bata pa po ako”, pabiro kong sabi.
“Pipikit ka ba o pipikit ka?” tanong niya.
“Heto na nga oh! Pikit na pikit na”, sagot ko.
May ginagawa siya sa daliri ko na sobrang nakikiliti ako.
“Open your eyes!” mahahalata ang excitement sa boses niya.
Pagbukas ko ng aking mga mata, nakita kong may tissue ang ring finger ko. Singsing na gawa sa tissue? I find it so cute!
“Wow!”
“Nagustuhan mo?” tanong niya.
“Sobra.” Nilagyan ko din ng singsing na gawa sa tissue ang daliri niya. Ang cute-cute-cute naman talaga.
“Taray! Engaged agad? Agad-agad?” panirang moment na pang-aasar ni Krishna.
“So. . .”, matamis ang ngiting sabi ko. “Tayo na?”
“Hindi ah! Magiging tayo lang kapag sinabi ko na ang magic words sa ‘yo”, tanggi ni Mej.
“Eh para saan ‘tong mga ‘to?”, tanong ko na ang tinutukoy ay ang couple ring namin na gawa sa tissue.
“Tanda ng pagkakaibigan natin”, sagot niya.
“So, hindi n’yo ako kaibigan?” kunwari ay nagtatampong tanong ni Krishna.
“Espesyal na pagkakaibigan”, paglilinaw ni Mej.
“So, hindi ako special?” muling tanong ni Krishna.
“Eh! Basta!”
“Gets ko na”, malaman ang mga ngiti niyang sabi. “Diyan na muna kayo, may aasikasuhin lang ako”, malagkit ang tinging sabi ni Krishna sa magandang babae sa katabing mesa.
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...