“Wala ba siyang kamay at paa?” tanong ni Mej na ang tinutukoy at si Ann. “Bakit pumapayag kang inuutus-utusan ka lang niya?”
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Teka! Bakit parang naiinis siya? Bakit parang affected siya? Ang ibig bang sabihin nito ay concerned siya?
Aaayyyiiieee! Yohohohohoho!
“Nasaan sina Krishna at Vanessa?” pag-iiba ko ng topic.
“Bumibili ng chips at tequila”, sagot niya.
“Hindi ka sumama?” tanong ko.
“Kaya nga nandito ako, ‘di ba?” mataray niyang sagot.
Bakit gano’n? Bakit parang lalo siyang gumaganda sa paningin ko kapag nagtataray siya?
“Bakit pala Mej ang pangalan mo?”
“Itanong mo sa Nanay ko.”
“Pa’no ko itatanong eh wala naman siya dito?”
“Eh ‘di i-text mo”, sagot niya.
“Anong number niya?”
“Hindi ko kabisado.”
“Siguro naman kabisado mo number mo?” nangingiti kong tanong sa pinakamataray na yatang nilalang na nakilala ko.
“May amnesia ako”, matabang niyang sagot.
“Eh ‘di i-save mo na lang ang number ko sa phone mo”, duma-da moves kong suggestion.
“Full memory na ako”, she said.
Aba, teka! Mukhang hindi yata tumatalab ang kamandag ko sa katarayan niya ah.
“I like you”, sabi ko.
“Epey, huwag ako.”
“Kayo nga pala ni Krishna.” I almost forgot. My bad.
“Kaibigan ko lang si Krishna”, sabi niya.
“Akala ko ba gusto mo daw i-try ang femme to femme?”
“Akala ko din.”
“So, may pag-asa pala ‘ko?” nagpapa-cute kong tanong.
“May Ann ka na, may Vanessa ka pa. Tapos, idadagdag mo pa ako? Ano ka? Masaya?” nakataas ang kilay niyang tanong.
“Yeah!” sagot ko. “Masaya talaga akong nakilala kita.”
“Hindi mo ako madadaan sa pambobola.”
“Sino ba nagsabing binobola kita?” seryoso kong tanong. “Totoong masaya ako na nakilala kita. Um, nga pala, anong gusto mo sa isang tao?” dagdag ko.
“’Yong kabaligtaran mo”, sagot niya.
Hashtag! Boom! Basag! [#boombasag]
BINABASA MO ANG
For Real (A Lesbian Love Story, Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceAng tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan ay. . . Abangan! http://www.youtube.com/watch?v=pQleNR2MNsc Click the link if you want to hear For R...