CHAPTER 1

1.2M 31.4K 13.4K
                                    

Belated Happy Birthday Claud Ramos 🥳

CHAPTER 1

HUMAHANGOS NA NAGMULAT ng mga mata si Blake, kapagkuwan ay inilibot niya ang tingin sa kinaroroonan. Natigilan siya nang rumehistro sa isip niya kung nasaan siya.

He was in a private plane bound to the Philippines.

Ihinilamos niya ang mga palad sa mukha, saka ilang beses na huminga nang malalim para paklamahin ang sarili.

He stilled when he saw his twin eyeing him weirdly. "What?" he snapped at Blaze.

"Still having nightmares?"

He sighed. "Yeah. You?"

Blaze shrugged. "Every damn day. Sanay na ako." Itinuro nito ang seat belt niyang hindi naka-unbuckle. "Buckle up, we're about to land."

Ihinilamos niya uli ang mga palad sa sariling mukha, saka umayos ng upo. "Sinabi ba sa 'yo ni Velasquez kung ano'ng kailangan niya?"

Umiling si Blaze. "Nope. You know him, he's weird. He says it's a favor."

"A favor?" Bumuga siya ng marahas na hininga. "Baka nakakalimutan niyang maraming gustong pumatay sa 'tin sa Pinas?"

"He's a friend." 'Yon lang ang sinabi ni Blaze. "Let's see what he wants."

"He's a nut job. Who knows what he wants?" Blake buckled his seat belt. "Hindi ko nga alam kung bakit wala pang nakakapansin sa tunay niyang ugali sa village. Hindi naman siya sintu-sinto talaga."

Blaze chuckled. "Sintu-sinto..." Napailing ito habang tumatawa. "Iparinig mo 'yan kay Volkzki—"

"And Volkzki will agree with me. Sintu-sinto naman talaga ang conde na 'yon kapag gusto niya."

"Hayaan mo na. Gusto ko rin namang umuwi," sabi ni Blaze, saka may lungkot na ngumiti. "I want to see Mom and Cassie again. I miss them."

Sa sinabing 'yon ng kakambal, naalala niya si Calle. Isa ito sa rason kung bakit kahit mapanganib ay umuwi pa rin siya. Mabibisita niya uli ito at masasamahan kahit sandali lang.

Humugot si Blake ng malalim na hininga, saka tumingin sa labas ng bintana ng eroplanong kinalululanan.

It had been eleven years, but he couldn't still forget. Dala-dala pa rin niya ang alaala nila ni Calle at ang pagsisisi niya sa mga nangyari. Nakatatak pa rin sa isip niya ang pangakong binitiwan niya sa harap ng kabaong nito na susunod siya.

Eleven years later, he couldn't still do it. He couldn't still leave his brother behind. At hindi na lang ito ang iiwan niya kung sakali.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at ipinikit ang mga mata.

"Blake?" tawag ng kakambal sa pangalan niya para kunin ang atensiyon niya.

"What?" sagot niya habang nakapikit pa rin ang mga mata.

"Have you tried going out with, you know, women after Calle?"

"Hindi." Nangako siyang susunod kay Calle. There was no use dating. "Why are you asking?"

"Most of our friends are married and happy. Napag-iwanan na tayo," natatawang sabi nito.

Iminulat niya ang mga mata, saka tumingin sa kakambal. "It's not too late for you."

Blaze frowned at him. "You say it like you're leaving."

"Saan naman ako pupunta?" pabiro niyang tanong. "Anyway, unless she's too nice, too sweet and too kind, she will never get my attention."

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon