CHAPTER 32

652K 25.1K 7.3K
                                    

CHAPTER 32

TITIG NA TITIG SI LUCKY sa babaeng yakap ni Bailey. Napakaganda nito kahit halatang may edad na. Maamo ang mukha nito pero bakas ang tapang sa mga mata at parang modelo ang tindig.

She sported elegance and gracefulness even when she was just standing. It baffled her.

She's beautiful, sa isip ni Lucky.

This woman couldn't be Cassie. She was a little bit older. At walang reaksiyon mula kay Blaze. Kung ito si Cassie baka sinugod na ng yakap ni Blaze.

But Blake and Blaze was both rooted in place. Parang katulad niya, nagtatanong din ang mga ito kung sino ang babae na nasa harap nilang lahat.

Still... she wanted to make sure.

Inilapit niya ang bibig sa tainga ni Blake, saka pabulong na nagtanong. "Do you know her?"

Umiling si Blake, saka umalis ito sa pagkakaupo sa kama niya at hinarap ang babae. "Who are you?" he asked in a very cold voice, it sent shiver down her spine.

Hindi pa niya naririnig na ganoon ang boses ni Blake. Nakakatakot ang lamig n'on. 'Buti na lang at hindi na siya madaling matakot ngayon.

"Bailey," sabi ni Blaze na ngayon ay nakatayo na sa tabi ni Blake. "Come here, kiddo. Bili raw kayo ng ice cream ni Tito Knight mo. Sama ka muna sa kanya."

Bailey pouted before looking up at his mother. "Mommy—"

"Go, baby." Umuklo ang babae para masuyong halikan sa noo si Bailey at hinaplos ang pisngi nito. "Kakausapin lang sila ni Mommy."

Tumayo si Knight, saka hinawakan si Bailey sa kamay. At napansin ni Lucky na nagkatinginan si Knight at ang mommy ni Bailey bago iginiya palabas ni Knight si Bailey.

Magkakilala ba sila? hindi niya maiwasang tanong.

Nang sumara ang pinto, tumingin sa kanya ang babae na ikinailang niya. Parang kinakabisado nito ang mukha niya bago nagsalita.

"How are you feeling, Lucky?"

Nagulat siya sa tanong nito. Kung tawagin kasi nito ang pangalan niya, para bang matagal na silang magkakilala.

Nginitian niya ang babae kasi maayos naman itong nagtanong. "I'm feeling much better. Thank you for asking."

Tumango ito, saka naglakad palapit sa kanya at akmang aabutin ang pisngi niya nang tabigin ni Blake ang kamay ng babae palayo sa kanya.

"Don't touch her," may diing sabi ni Blake.

Parang hindi man lang naapektuhan ang babae sa ginawa ni Blake. Tumuwid ang tayo nito, saka tumingin kay Blake. Kapagkuwan ay si Blaze naman ang tinitigan nito. She was looking at them with emotions in her eyes that Lucky couldn't name.

"Who are you?" Blaze asked calmly. "Masyadong malakas ang loob mo para pumasok ka rito nang hindi man lang kumakatok at nagpapakilala—"

"Masyado ring malakas ang loob n'yo na pasukin ang bahay namin at kinuha n'yo pa ang anak ko." Tumalim ang mga mata ng ginang. "At hindi lang 'yon ang ginawa n'yo. As of now, my husband is going through thick and thin to find you."

"Sabihin mo sa asawa mo kung nasaan kami," matapang na sabi ni Blake. "I will gladly gut him open."

The woman just tilted her head gracefully. "Fortunately, you take really good care of my Bailey. As a thank you, I won't tell my husband."

"Then why tell us that your husband is looking for us?" Blake asked, his fist kept on clenching and unclenching. "Paano mo nalaman na nandito kami? Paano mo nalaman na kami ang bumisita sa bahay n'yo?"

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon