CHAPTER 42

683K 23.4K 16.1K
                                    

CHAPTER 42

BLAKE LOOKED AT BLAZE flatly when the car stopped in front of the barn in Bachelor's Village. Alam ng kakambal niya na ayaw niyang pumunta roon. Si Lucky ang gusto niyang makasama ngayon. Nag-aalala siya dahil kahit anong oras, puwedeng gumalaw ang mga kalaban nila. Kasal pa naman nila bukas.

"Hey, stop worrying," sabi ni Blaze sa kanya. "The lunatics are waiting inside. Sinabi kong libre mo kaya nagsipuntahan kahit mga busy."

Napailing siya. "Kailan ba humundi ang mga baliw na 'yon sa libre?"

"Never," sabi ni Blaze, saka lumabas na ng sasakyan kasabay ni Bailey.

Lumabas na rin siya ng kotse, saka napabuntong-hininga bago tinungo ang barn at pinihit pabukas ang pinto.

Napaigtad si Blake nang bigla na lang may pumutok at umulan ng confetti. Binalot siya n'on.

"Welcome to the club, bud!" nakangiting sigaw ni Tyron na panay ang tapon sa kanya ng confetti na pinupulot nito sa sahig. "We're so happy that you're paying for all these food!"

He sighed. "You're happy for the food, not for me?"

"Yes!" sabay-sabay na sigaw ng mga baliw.

"I'm touched," puno ng sarkasmo na sabi niya.

"Bakit naman kami magiging masaya para sa 'yo?" nakakunot-noong tanong ni Train habang kumakain ng barbecue na siguradong binili ng mga ito sa labas ng BV. "Nandito kami para sa pagkain."

Napailing siya, saka pumasok. Si Blaze naman ay hinatid si Bailey sa 'taas para doon ito tumambay at maglaro habang nasa ibaba sila.

"So..." sabi ni Blaze nang makababa mula sa ikalawang palapag. "Ano'ng gagawin natin para sa bachelor's party ng kakambal ko?"

"Let's stay put," sagot ni Evren.

"Makakatay kami ng mga asawa namin," sabad ni Lander. "Ayoko pang matulog sa labas ng kuwarto."

Lash nodded. "No to strippers and no club hopping."

Cali grinned. "We're all good boys here."

Khairro snorted. "I'm not a good boy, so let's go to a strip club!"

Lahat napatingin sa kanya na parang hinihintay ang permiso niya.

Uminom siya ng beer sa mismong bote, saka umiling. "Nope. I'm a good boy. My Lucky is enough for me."

His married friends clapped their hands while his single friends groaned in disappointment.

Napailing si Blake. Hindi kasi naiintindihan ng mga walang pang asawa ang nararamdaman niya. Lucky was more than enough for him. Hindi ito mapapalitan ng kahit sino man.

"You know what, walang kuwenta palagi ang bachelor's party ng isa sa atin," sabad ni Terron. "Masyado kayong takot sa mga asawa n'yo."

"Volkzki," tawag ni Andrius kay Valerian na kanina pa tahimik na umiinom sa gilid. "Isumpa mo nga 'yang si Terron tulad ng pagsumpa mo sa 'kin."

Valerian lazily looked at Terron. "You'll suffer in the hands of your beloved. I assure you that."

Tumango-tango si Andrius. "And it will happen, my man, I mean look at me. Alam mo ba ang hirap na dinanas ko?"

"Bakit parang nagrereklamo ka?" natatawang tanong ni Khairro kay Andrius.

Agad na tiningnan nang masama ni Andrius si Khairro. "Hindi naman—

"Parang nagsisisi ka, eh. Gusto mo bang isumbong kita sa asawa mo—"

"Are you nuts?" Pinanlakihan ng mga mata ni Andrius si Khairro. "Do you want me to get killed?"

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon