CHAPTER 16
NANGANGALAY ANG MGA PAA na umupo si Lucky sa bench na nasa labas ng paaralang pinagtuturuan. Panay ang tingin niya sa mga dumadaang sasakyan dahil baka si Blake na 'yon. Sabi kasi nito susunduin siya pero papagabi na, wala pa rin ang lalaki.
Kanina pa niya ito tinatawagan pero walang sumasagot.
Sana walang nangyaring masama sa kanya.
Huminga siya nang malalim at nagdesisyon na maghintay pa ng sampung minuto at tinawagan uli pero wala pa rin.
She felt disappointed but maybe Blake had his reasons. Hindi naman siya nito sisiputin kung walang dahilan.
Hihintayin na lang niya ang paliwanag nito. Sayang lang dahil magpapasama sana siya rito sa ospital kasi nanikip na naman ang dibdib niya kanina bago ito tumawag at niyaya siyang mag-date, pero wala naman ang lalaki kaya siya na lang ang pupunta.
Lucky stood up and went to hail a cab. Nagpahatid siya sa ospital at agad na tinahak ang daan patungo sa opisina si Dr. Axel.
But the doctor was out.
Bumagsak ang mga balikat niya, saka tinawagan uli si Blake. Wala pa ring sagot. Sinubukan niyang tawagan si Blaze pero ganoon din. Huli niyang tinawagan ay ang Mommy La niya pero wala rin.
Napatitig siya sa cell phone niya, saka humigpit ang hawak doon. "Nasaan ba kayo?"
Masama ang loob na umuwi siya sa apartment. Sarado pa rin ang katabi niyang apartment at wala siyang naririnig sa kabila—ibig sabihin wala pa si Blake.
First date and he didn't show up.
Bumuntong-hininga siya, saka dumeretso agad sa kuwarto dahil wala siyang ganang kumain.
Lucky was trying to fall asleep so she could rest early when her phone rang.
Nagtatampo siya kay Blake pero sa isiping baka si Blake 'yon, mabilis niya 'yong inabot sa bedside table at tiningnan kung sino ang tumatawag.
It was Blaze.
"Hello?" Hindi niya naitago ang pagkadismaya sa boses.
Blaze tsked on the other line. "Ouch. You sounded so disappointed."
Napasimangot siya. "Kasi naman... akala ko si Blake, 'tapos ikaw lang pala."
"Ang sakit mo talagang magsalita, baby girl," pagdadrama nito. "Anyway, I called because I'm outside your apartment building. Puwede ka bang bumaba?"
"Bakit?" Nayayamot pa rin siya.
"I'll take you to Blake."
Sa sinabi nito, agad na tumalon-tumalon ang puso niya. "Talaga? You're the best, Blaze!"
"Ang rupok mo talaga." He tsked. "Bumaba ka na, 'tapos magdala ka ng pamalit na damit ng ilang araw."
Hindi na siya nagtanong pa kung paraan saan ang damit, gusto lang niyang makita si Blake. Basta naglagay siya ng damit sa backpack at nagmamadaling lumabas ng apartment.
Agad na nakita niya ang sasakyan ni Blaze at bumukas ang pinto n'on nang makalapit siya.
"You okay?" Blaze asked.
"I wanna see Blake," sa halip ay sagot niya.
Napailing na lang ang katabi. "Blake ka nang Blake. Nandito naman ako," pagdadrama nito. "Baby girl, ibinubuwis ko ang buhay ko para lang sunduin ka."
Hindi niya alam kung seseryosohin niya si Blaze o matatawa. "Ano naman ang buwis-buhay sa pagsundo sa 'kin?"
Blaze tsked. "I'll explain later. Anyway..." mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo ng sasakyan. "How's your day?"
BINABASA MO ANG
THE BROKEN SOUL'S PLEA
General FictionBlake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb in his soul. Pero pilit siyang kumakapit, pilit siyang lumalaban para sa hustisya at para sa kakamba...