CHAPTER 31
AFTER SPENDING four days in CTICU, Lucky was moved to a private room to recover. Her body was responding well to her new heart, there was no problem at all, according to Dr. Axel. Kailangan lang niyang magpagaling at mag-ingat. Sundin ang mga ipinagbabawal at magiging maayos lang siya.
Mula nang mailipat siya sa pribadong kuwarto, ang dami niyang naging bisita. Tulad na lang ngayong araw.
Blake's friends came as batch. And this batch was just as weird as the other batches who visited her.
Napatitig si Lucky sa mga lobo na hawak ng kaibigan ni Blake na nakilala niyang si Khairro Sanford. Napangiwi siya. "It's not my birthday today."
"I know." Napakamot ito sa batok habang nakangiwing nakangiti. "Naubusan kasi sila ng get well soon balloons kaya happy birthday na lang. It's the thought that counts."
Mahina siyang natawa. "Salamat."
"Here's mine," sabi ni Evren Yilmaz, sabay lapag ng bulaklak sa mesa na katabi ng kama niya. "Sabi ni Axel puwede ka na sa bulaklak kaya ito na lang. Get well soon ang nakasulat diyan."
Lucky couldn't help but to chuckle when she saw Khairro glared at Evren.
"Pinaparinggan mo ba ako, bud?" Masama ang mukha ni Khairro.
Evren smirked. "Mine wasn't happy birthday."
Napailing na lang ang isa sa mga kasama nitong bumisita sa kanya ngayong araw.
"Here's mine, Miss Hart," sabi ng lalaking nakilala niyang si Phoenix Martinez. "This is like a beeper but the sound is different. If you push this..." Pinindot nito ang button na nasa gitna. "This is the sound it makes."
Bahagya siyang napaigtad nang marinig ang tunog na parang may emergency na nangyayari. At nang pindutin uli ni Phoenix ang button ay nawala ang tunog.
"Tinatakot mo si Miss Hart," sabad ni Thorn.
Hindi ito pinansin ni Phoenix at patuloy lang na nagpaliwanag sa kanya. "You can use this anytime. No need to change battery because it's powered by solar. Paarawan mo lang ng kahit dalawang oras, the power will last for a year. You need this in case of emergency. You can get Blake's attention with this."
Tinanggap niya ang maliit na pabilog na emergency beeper na bigay ni Phoenix. "Salamat. This will come in handy for sure."
Si Titus Morgan naman ang sunod na nagbigay sa kanya ng get well soon gift. "Here. It's a gift certificate. Buy anything you want when you get out of this place."
Nag-aalangang tinanggap niya 'yon, lalo na nang makita ang presyo n'on. "Hundred thousand gift certificate?" malalaki ang matang tanong niya.
"I know, that's a small amount. Sorry," sabi ni Titus.
She blinked at him. "No. This is too much already."
Thorn tsked. "Parang ayoko nang ibigay ang get well soon gift ko."
Evren chuckled. "Sabi nang mauna tayo, eh."
Tumingin siya kay Thorn. "Okay lang naman sa 'kin kahit ano."
Napakamot sa batok si Thorn, saka may inilapag na cake sa mesa na malapit sa kanya. "Get well soon, Miss Hart."
She grinned. "Thank you, all of you. Salamat sa pagbisita sa 'kin."
"O, siya, hindi na kami magtatagal," sabi ni Khairro. "Magpapalibre pa kami Kay Furrer. Kapapanganak lang ng asawa niya."
Napangiti siya, saka nagba-bye sa limang kalalakihan na isa-isang naglabasan. Nakakatuwa ang mga kaibigan ni Blake. Talagang binisita siya na para bang matagal na silang magkakakilala.
![](https://img.wattpad.com/cover/166949100-288-k485837.jpg)
BINABASA MO ANG
THE BROKEN SOUL'S PLEA
General FictionBlake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb in his soul. Pero pilit siyang kumakapit, pilit siyang lumalaban para sa hustisya at para sa kakamba...