CHAPTER 11

991K 28.2K 14.7K
                                    

CHAPTER 11

"DOC, IS THERE A CHANCE that we can hold Lucky in this hospital while we go search for heart donors in another countries?" tanong ng lola ni Lucky kay Axel.

Nakikinig lang sina Blake at Blaze sa usapan habang mahimbing na natutulog si Lucky.

"Gusto niyang umuwi sa apartment niya." She looked frustrated. "Mag-isa lang siya roon. Ayoko pero baka sumama ang loob niya at maapektuhan ang puso niya kung aayaw ako."

"Well, I can pull some strings to make it happen but do you think it's fair for your granddaughter?" Mukhang hindi sang-ayon si Axel. "I mean, ito ba ang gusto niya?"

Nagbaba ng tingin ang lola ni Lucky. "Hindi. She hates hospitals. Hindi lang niya sinasabi dahil mabait siyang bata pero alam kong ayaw niya rito. Buong buhay niya, palagi siyang nasa ospital."

"I suggest you don't."

Nilingon siya ng lola ni Lucky na mukhang nagulat sa pagsabad niya. "I beg your pardon?"

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at nagpakilala. "I'm Blake Vitale. Your granddaughter's neighbor."

Realization dawned on her face. "Oh, yes. Kilala kita. Bukambibig ka palagi ni Lucky kapag nagkakausap kami. I think she has a crush on you."

Crush lang? That was depressing. I thought she likes me. "As I was saying, hindi magiging masaya si Lucky kung dito siya sa ospital mananatili. She likes teaching and playing with kids. She likes to experience life."

"I know that, young man, but I'm worried. Ayaw niyang magpasama sa apartment niya. Gusto niyang maging independent. Pero hindi mo naman sa 'kin maaalis ang mag-alala. Look at her now, paano kung sa bahay niya siya mawalan ng malay o manikip ang dibdib? Who will help her?"

"I will."

Napatitig sa kanya ang matandang babae. "I don't think that's a good idea—"

"Holding her in the hospital is not a good idea either," sabi niya, saka tinitigan ang babaeng natutulog. "Let her live her life the way she wants it, aalalayan ko siya."

"Alam mo ba kung ano'ng pinagsasasabi mo?" tanong sa kanya ng lola ni Lucky.

Tumango siya. "Yes. That means I'll devote my time in taking care of her and supporting her. I don't mind, as long as she's happy, she will never waste my time."

"I don't want to impose on you," sabi ng matandang babae. "Siguradong makakaistorbo sa 'yo ang apo ko."

Ngumiti siya. "That's okay with me."

Umiling ito. "No. You have a job. I don't want to intrude."

"I don't have a job, but I have a company. Tumatakbo naman 'yon kahit wala ako dahil may namamahalang iba roon kaya hindi siya makakaistorbo sa 'kin. And I like to take care of her, if you let me."

Bumuntong-hininga ito. "What will be the arrangement if I agree to this?"

Tumingin si Blake sa mga mata ng matandang babae para masiguro nitong hindi siya nagsisinungaling. "Sa apartment niya pa rin siya mananatili. Magtatrabaho pa rin siya at gagawin niya ang gusto niya."

"Where will you fit it in all that?"

"Aalalayan ko lang siya," wika niya. "Nasa likod niya lang ako, babantayan ko siya."

Naglakad ito palapit kay Lucky, saka hinaplos ang pisngi ng babae at tumingin sa kanya. "Hindi ko alam kung tatanggapin niya ang tulong mo. She has always been a brave girl. Facing and surviving cancer. She never give up on her life. She always fight. Siya ang may sakit, pero siya ang nagpapalakas sa loob namin, siya ang nagsasabi na gagaling siya, na huwag kaming mag-alala."

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon