CHAPTER 37

810K 23.6K 6K
                                    

CHAPTER 37

"DINALA KAMI SA ISANG WAREHOUSE, takot na takot kami ni Cassie noon. Pero nang makarating kami doon, nandoon ang mama ni Luther, siya ang nagpapakalakas ng loob namin na mahahanap din kami kasi pulis ang asawa niya." May panginginig sa boses ng ginang na parang pinipigilan ang maiyak. "Pero walang nakahanap sa amin hanggang may dumating na grupo ng kalalakihan na basta na lang nagtuturo ng mga babae.

"Isa ang mama ni Luther sa naturo at ginahasa mismo sa mesa na nasa harap namin dahil napag-alaman na pulis ang asawa niya. At para daw magtanda kaming lahat kung ano kami sa lugar na pagdadalhan sa amin." Nanginginig ang boses nito. "Nagdadasal ako noon na sana hindi kami mapahamak ni Cassie. Umiiyak siya, takot na takot kasi buntis siya. Gustong-gusto ko siyang protektahan." Tumingin ito kay Blaze. "Pero hindi ko nagawa 'yon. Patawarin mo ako, anak. Nagkahiwalay kami nang mapili ako ni Leandro nang pumunta siya sa warehouse na 'yon. Ang mama ni Luther ang kasama niyang naiwan. Cassie was struggling and I was holding unto her but we still got separated."

"W-what happened to Cassie?" parang natatakot na tanong ni Blaze. "D-did she s-suffer?"

Umiling ang ginang. "Doon kami nagkahiwalay sa warehouse at hindi na kami nagkita uli sa mga sumunod na araw. I was taken to a mansion, Leandro's and Leo's house, where I was violated like an animal." Doon ito humikbi. "Pero kahit hirap na hirap na ako, pinilit kong mabuhay kasi kayo ang iniisip ko, mga bata pa kayo noon. Hindi n'yo pa kakayanin na mawala ako na tanging sinasandalan n'yo.

"Those animals played me and they burned me just for fun and games. Buhay ako nang sinunog nila. Akala ko mamamatay na ako. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang apoy na lumulukob sa katawan ko. Akala ko hindi ko na kayo makikita uli. But I was wrong, I woke up. Pero nang magising ako, iba na ang mukha ko at isang taon na ang lumipas. Gusto kong umuwi, gusto ko kayong makita, pero pinigilan nila ako, hindi raw puwede kung gusto kong maging ligtas kayo. Mapagtatagni-tagni raw ni Leandro kung sino talaga ako kapag umuwi ako kahit iba na ang mukha ko at madadamay kayo kasi hindi ako puwedeng mabuhay.

"And all I want is for you to be safe," humihikbi nitong sabi. "Kaya tinanggap ko ang pakiusap ng tumulong sa 'kin na tulungan silang pabagsakin ang demonyong magkapatid na 'yon. They faked my death and I helped them. I did a lot of things I'm not proud of just to be Leandro's wife, to be part of that syndicate and be a spy. Sinikmura ko kahit hindi ko kaya. Tiniis ko kahit diring-diri ako kapag hinahawakan niya. Tiniis ko 'yon lahat kasi ang nasa isip ko, kapag nawala na ang taong 'yon, makakasama ko na ang mga anak ko.

"And when Bailey came, when I give birth to Bailey, lalo lang akong nabigyan ng rason na hindi magpakita kasi may mapapahamak ding inosenteng buhay kapag nalaman ang tunay kong pagkatao. Kaya hindi ako nagpakita sa inyo kasi hindi namin mapatumba-tumba ang sindikatong pinamumunuan nina Leandro at Leo. Masyado silang maingat sa bawat galaw nila."

"Sino ba ang tumulong sa 'yo?" tanong ni Blaze na nakaupo sa gilid ng kama, sa tabi ng ina nito.

"The organization. Wala iyong pangalan," sabi ng ginang.

Blake cussed. "Of course. The organization. Why am I not shocked?"

"May inilibing kami, 'Ma," sabi ni Blaze sa boses na parang hirap na hirap na. "Ikaw 'yon at si Cassie. Paanong nangyari 'yon? They ran a DNA test to made sure and it was positive."

"I don't know." Huminga nang malalim ang ina ng kambal. "Maybe the organization took part of the DNA testing. Ang alam ko lang itinapon ako sa kung saan ng mga tauhan ni Leandro. Naaalala ko pa nang isakay ako sa itim na van bago ako sinunog. Nang magising ako, si Cassie agad ang tinanong ko pero sabi ng organisasyong tumulong sa 'kin ay wala na raw si Cassie. Sabay raw kaming itinapon pero ako lang ang buhay at ako lang ang nailigtas nila."

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon