CHAPTER 10

946K 29.1K 14.2K
                                    

CHAPTER 10

KUMUNOT ANG NOO ni Lucky nang makalabas siya ng apartment building at nakita niya si Blaze na nakaupo sa hood ng nakaparada nitong kotse.

Ngumiti ito nang makita siya. "Yow, Miss Hart. Miss me?" nakakaloko nitong tanong.

"Good morning," masigla niyang bati kay Blaze. "And no, hindi kita na-miss. Hinihintay mo ba si Blake?"

"Nope." Tumayo ito nang tuwid at binuksan ang pinto ng passenger seat. "Ihahatid kita."

Tumaas ang kilay niya. "Bakit? Sanay naman akong naglalakad." Nauna na siyang maglakad dito. "Come on, samahan mo na lang akong maglakad—"

"Miss Hart, wait!"

Nilingon niya si Blaze at may pag-aalala siyang naramdaman nang makitang umiika-ika ito at panay ang ngiwi na parang nasasaktan sa bawat hakbang.

Agad niya itong dinaluhan. "Ano'ng nangyari sa 'yo?"

"Blakey happened."

Iniakbay niya ang isang braso nito sa balikat niya at ipinalibot niya ang braso sa baywang nito. "Come on, tutulungan kitang sumakay sa kotse mo."

Hinayaan naman siya ni Blaze na tulungan ito. Pero hindi pa sila nakakalapit nang tuluyan sa sasakyan nang makita niyang lumabas ng apartment si Blake.

Their eyes met. But he quickly look away and left.

Bumalik ang atensiyon niya kay Blaze na bigla na lang tumayo nang tuwid at ngumiti. "Halika na, Miss Hart, ihahatid na kita."

Bumaba ang tingin niya sa paa nito. "Okay ka na?"

Blaze just shrugged.

Tiningnan niya ito nang masama. "Were you playing with me?"

"Not you. Come on."

Pinagmasdan niya si Blaze na nauna nang maglakad patungo sa kotse nito. Napapansin niyang umiika-ika pa rin ito.

"Come, Miss Hart," sabi nito bago sumakay sa kotse.

Napipilitan siyang sumakay sa kotse ng lalaki dahil sa utang-na-loob niya rito. "Ano ba'ng nangyari sa 'yo? Ano'ng ginawa ni Blake sa 'yo?"

"He stabbed me."

"Blake will never do that." Tiningnan niya nang masama ang kasama. "He's nice and—"

"He's not nice," putol ni Blaze sa iba pa sana niyang sasabihin. "He stabbed me last night."

Bumaba ang tingin niy Lucky sa paa nitong may bumabakat na dugo sa may itaas ng tuhod. "Holy moly... it's blood!"

"Told yah!"

"Bakit naman niya gagawin 'yon sa 'yo?" nagtatakang tanong niya kay Blaze. "Kakambal ka niya."

"Marami siyang nakaing jelly ace."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano'ng kinalaman n'on sa pagsaksak niya sa 'yo?"

Tumawa lang si Blaze, saka binuhay ang makina ng sasakyan at pinausad 'yon.

Nang nakarating sila sa pinagtuturuan niyang eskuwelahan, agad siyang lumabas ng kotse ni Blaze pero pinigilan siya nito bago pa siya makapasok sa gate.

"Wait."

Nilingon niya si Blaze, saka sinilip ito sa loob mula sa nakababang bintana ng pasenger seat. "Yes?"

"Susunduin kita mamaya."

And now she was confused. "Why?"

Blaze grinned. "Let's just say that I have a theory, okay? Sakyan mo na lang, okay ba?"

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon