CHAPTER 25

756K 24.5K 12.1K
                                    

CHAPTER 25

"ANO'NG ALAM MO sa lahat ng 'to?" tanong ni Blake kay Velasquez habang mahigpit pa ring hawak niya ang kuwintas na ibinigay ni Blaze kay Cassie. "Ano'ng alam mo rito?"

Knight looked up at him. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo?"

Tumalim ang mga mata niya. "Huwag mo akong daananin sa pagiging sintu-sinto mo. Hindi 'yan uubra sa 'kin ngayon," nagtatagis ang mga bagang na sabi niya.

Napatingin si Knight sa mga kaibigan nilang nakikinig sa usapan nila sa labas ng ICU, saka bumuntong-hininga. "Seriously, Blake, what are you talking about?"

He puffed a breath. Knight was pretending to be a lunatic again. Nasa harap sila ng mga kaibigan nila kaya hindi siya nito seseryosohin.

Kinuwelyuhan niya ang conde, saka hinila ito palayo sa mga kaibigan nila.

Nang mawala sila sa paningin ng mga kaibigan nila, itinulak niya si Knight pasandal sa pader, saka gumagalaw ang panga na nagtanong. "Ano'ng alam mo?"

Inayos ni Knight ang nagusot nitong kuwelyo, saka namulsa. "Why do you wanna know—"

"Don't play mind games with me," nagtatagis ang mga bagang na sabi niya. "I'm warning you, Knight. Hindi mo ako gustong galitin."

Knight heaved a very deep sigh. "The reason why I like you better than Blaze is because you don't joke around. Pero hindi pala maganda kapag sa 'kin nakatutok 'yang matalim mong mga mata—"

"Answer me." He was gritting his teeth.

Umayos ito sa pagkakasandal sa pader, saka tinitigan siya. "What do you want to know? Kung ano'ng tanong mo, 'yon lang ang sasagutin ko. So, ask wisely."

Humigpit ang pagkakakuyom ng kamay niya. "Huwag mo akong paglaruan, Velasquez. Kilala mo ako kaya huwag na huwag mo akong gagalitin."

"Kilala mo rin ako," sabi nito sa kalmadong boses. "Hindi ako basta-basta nagbibigay ng impormasyon kahit buhay ko pa ang kapalit. I'm giving you a chance here, so grab it."

His lips thinned and jaw tightened. "Paano nakatakas si Lucky?"

"There was an angel inside," sagot nito.

"Your men?"

Umiling ito. "Nope. Just a good citizen."

"Where was she taken?"

"Why?" Velasquez asked back. "Pupunta ka? Bibisitahin mo? 'Tapos? Ano'ng gagawin mo doon? Wala ni isang tao sa mansiyon na 'yon ang sasagot sa mga katanungan mo."

"Then answer me..." Itinaas niya ang kamay na may hawak sa kuwintas. "Do you know who own this? Who kidnapped my Lucky? Whose house is it? What do they want from Lucky? Why am I protecting her? Who wants to hurt her?"

Velasquez sighed. "It's not really about who wants to hurt her... it's more like, who wants to keep her."

Inatake siya ng kaba. "Explain."

"Lucky was kidnapped by her own father today," sab ni Knight, saka napailing. "And I'm pretty sure he's the reason why your Lucky is in the ICU."

Bumuga siya ng marahas na hininga. "That still doesn't explain how this..." He gripped the necklace. "Came into Lucky's possession."

Velasquez looked like a man who didn't know a shit, but he knew better.

"May hindi ka sinasabi sa 'kin," sabi niya habang tinititigan ang kaharap. "Ano 'yon?"

"Kaya nga hindi ko sinasabi kasi ayokong malaman mo." Ngumiti ito, saka tinapik ang balikat niya, "I'll tell you some other time. Hindi pa rin ako sigurado, eh. I don't want to give you a half-baked information. Nakakamatay 'yon."

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon