CHAPTER 21

742K 25.4K 3.6K
                                    

Hello, Lily Minnie Elcano 😊

CHAPTER 21

HINAPLOS NI LUCKY ang pacemaker na nasa dibdib niya habang tinitingnan ang sarili sa salamin na nasa loob ng banyo. After two weeks in the hospital, Dr. Axel finally allowed her to go home. Gusto ng Mommy La niya na sa mansiyon siya ng mga ito manatili pero umayaw siya kaya pinayagan siya nitong tumira uli sa apartment niya kasama si Blake.

For whatever reason, her Mommy La and Daddy Lo seemed to trust Blake. And when she asked Blake about it, he just smiled mysteriously at her.

Napailing siya, saka lumabas ng banyo at pumasok sa kuwarto niya. Naging maingat ang mga hakbang niya nang makitang natutulog na si Blake.

He was really tired. Halos hindi ito natutulog habang nasa ospital at binabantayan siya.

Walang ingay niyang tinungo ang closet para kumuha roon ng damit, saka doon din nagbihis. Natutulog naman si Blake kaya malakas ang loob niya.

Pagkatapos magbihis ay umupo siya sa gilid ng kama para mag-lotion pero natigilan nang marinig na mahinang dumaing si Blake.

Bumaba ang tingin niya sa natutulog na kasintahan at nag-alala nang makitang pabiling-biling ang ulo nito habang pinagpapawisan. Kunot na kunot ang noo habang nakaawang ang mga labi at dumadaing na parang nahihirapan.

"Don't... D-don't—No..."

He's having a bad dream!

Mabilis siyang lumapit dito at niyugyog niya ang balikat nito. "Blake! Wake up!"

"N-no... S-she w-w-won't..."

Mas nilakasan pa niya ang pagyugyog sa balikat nito. "Blake! Gumising ka. Blake!" Nag-uumpisa na siyang matakot nang walang reaksiyon mula sa lalaki. "Blake! Ano ba! Gumising ka! Blake! Blake—"

Napatigil si Lucky sa paggising dito nang bigla na lang itong humahangos na bumalikwas. At nang makita siya ay bigla siyang niyakap na parang takot na takot.

"Please, don't leave me, Lucky. Please don't leave me. Please don't leave me." His voice was shaking. "Please don't leave me. Please don't leave me. Please, don't leave me."

Hinagod niya ang likod nito habang nag-aalala sa panginginig ng boses nito. "Hindi ko gagawin 'yon. Stop thinking negatively."

Humigpit ang yakap sa kanya ni Blake. "Please, don't leave me." He was begging again.

"I'm not." She caressed his hair down to his back. "Calm down, Blake, please, calm down."

He stopped begging but he didn't let her go. Nanatili itong mahigpit na nakayakap sa kanya na para bang ayaw na siyang bitawan.

"Blake?" malumanay ang boses na kuha siya sa atensiyon nito. "Okay ka na ba?"

Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya at bumulong. "Huwag mo akong iiwan, Lucky, ha? I know I'm not a good man but please don't leave me. Hindi naman ako masama, eh. Hustisya lang naman ang gusto ko. Please don't leave me."

Kumunot ang noo niya. "Hindi kita maintindihan, Blakey-baby." Hinaplos niya ang buhok nito. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo na hindi ka masama? Hindi naman talaga, 'di ba?"

Lumuwang ang pagkakayakap nito sa kanya, saka tinitigan siya. "Paano kung masama talaga ako? Ano'ng gagawin mo? Iiwan mo ba ako?"

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya. "Tell me so I can answer you directly."

Umiling ito, bakas ang takot sa mga mata. "Siguradong iiwan mo ako."

"Blake..." Masuyo niyang sinapo ang mukha nito, saka tinitigan ito nang matiim. "Wala ka bang tiwala sa nararamdaman ko para sa 'yo?"

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon