CHAPTER 23
NAKIKITA NI LUCKY na nahihirapan si Blake na ikuwento sa kanya ang nakaraan nito kaya naman pinagsalikop niya ang kamay nilang dalawa, saka pinisil 'yon. "You can tell me some other time." He looked so uncomfortable. "Huwag mo nang ipilit."
Nag-iwas ng tingin si Blake. "I'm sorry... it's just, it's still painful. Even after so many years, hindi ko pa rin kayang ikuwento na parang wala lang."
"That's okay." She offered him a soft smile. "Maghihintay na lang ako hanggang sa kaya mo nang magkuwento sa 'kin."
Tumango ito, saka walang imik na iniwan siya sa kusina. Napatitig na lang si Lucky sa papalayong likod ni Blake.
He was really having a hard time. She could see in his eyes that he was struggling to tell her. Ayaw niya itong pilitin kahit pa nga gustong-gusto niyang malaman ang nakaraan nito.
"Hey... you okay?" It was Blaze who entered the kitchen.
She smiled. "Yeah."
He frowned. "What happened?"
Sumandal siya sa island counter at pinagkrus ang mga braso sa harapan ng dibdib niya. "Nahihirapan siyang magsabi sa 'kin."
"That fucker..."
"Hayaan mo na, baka hindi pa niya kaya at hindi pa siya handa," sabi niya sa malumanay na boses.
Malakas na bumuntong-hininga si Blaze, saka sumandal naman ito sa lababo at tumingin sa kanya. "He blames himself for everything. Ganoon naman si Blake, eh. Palagi niyang inaako ang kasalanan na hindi naman sa kanya. Nang mga bata pa kami, aksidente kong nasagi ang mamahaling vase ni Mommy. Dapat ako ang papaluin pero inako niya ang kasalanan ko. Kaya sanay akong nandiyan siya palagi para sa 'kin. Sinanay niya ako, eh."
Napangiti siya. "You're lucky to have Blake."
"I am." Blaze smiled. "But he's not lucky to have me."
Nawala ang ngiti niya. "Blaze—"
"Alam mo bang sinisi ko siya sa pagkawala ni Mommy at ni Cassie? Hindi niya alam 'yon, wala siyang alam na may sama ako ng loob sa kanya." Malungkot itong ngumiti. "He did everything for me, he defended me, he always got my back, he's always there to protect me but that day, I blamed him for everything. Sabi ko kasalanan niya. Kasalanan niya kasi mas pinili niyang samahan si Calle kaysa kina Mommy at Cassie."
"Blaze..."
Blaze looked at the ceiling as he blinked enumerable times. "I still blame him for their death..."
Umiling siya. "Don't. Hindi naman niya ginusto 'yon. Nahihirapan din naman siya."
"I know that, but I still blame him."
"Blaze—"
"Don't stop him." Boses iyon ni Blake na ikinagulat nila pareho ni Blaze. "It's true." Nakatayo ito sa pinto ng kusina at nakapamulsa.
Umiling si Lucky. "No. Pareho lang naman kayong biktima. Walang may kasalanan sa inyo."
"Tell her," sabi ni Blaze. "And be the judge."
Tumingin siya kay Blaze, pagkatapos ay kay Blake. Wala siya gustong panigan sa dalawa. "Blaze... Blakey..."
"Mom loves to jog every morning. It's her hobby," sabi ni Blake na nakatitig sa kawalan na para bang sinasariwa ang pangyayari. "Nang araw na 'yon, sumama si Cassie kasi maaga siyang nagising. Since her engagement with Blaze, sa bahay na siya tumira. Cassie woke me up that morning, nagpapasama sila kasi medyo madilim pa raw at tulog daw si Blaze, hindi magising-gising dahil napuyat sa pag-aaral kasi malapit na ang finals. You know what I said?" Mapait itong ngumiti, "I said, go, kaya n'yo na 'yan. I have to go to Calle because she needs me more."
BINABASA MO ANG
THE BROKEN SOUL'S PLEA
General FictionBlake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb in his soul. Pero pilit siyang kumakapit, pilit siyang lumalaban para sa hustisya at para sa kakamba...