CHAPTER 8
ALAM NI BLAKE na nakatulog siyang katabi si Lucky pero nang magising siya ay wala na ito sa tabi niya. Siguro umalis din ito kagabi. Speaking of last night, he remembered what Lucky did to make him fall back to sleep again.
For someone who had a weak heart, she was pretty strong.
Ininat niya ang mga braso, saka bumangon at mahinang napadaing nang parang mabibiyak ang ulo niya sa sakit.
"Fuck!" Sapo ang ulo na iritadong lumabas si Blake ng kuwarto para maghilamos.
This was his most hated part of drinking. Hangover. It could fuck up anyone's day and today, he was fucked.
Napatigil si Blake sa paglalakad nang makita kung sino ang nasa kusina at nagluluto. Kumurap-kurap siya at kinusot pa niya ang mga mata para makasiguro sa nakikita.
"Lucky?"
Agad na nilingon siya ng babae at gumuhit ang ngiti sa mga labi nang magtama ang mga mata nila. "Good morning, Blake!" masiglang bati nito sa kanya.
Ilang beses siyang napakurap-kurap at naglakbay pababa sa katawan nito ang tingin niya. She was wearing a baby pink apron and she was barefoot.
Ibinalik niya ang tingin sa maaliwalas nitong mukha. "What are you doing?"
Umalis ito sa kinatatayuan, sa harap ng stove para ipakita sa kanya ang ginagawa. "Charan!" malapad ang ngiting sabi nito, saka namaywang. "I'm making chicken soup for you!"
"Oh." He could see that.
"Para sa hangover mo," nakangiti pa ring sabi nito. "Mommy La always make chicken soup for Daddy Lo when he has a hangover." Kumuha ito ng isang basong tubig, saka may kinuhang gamot sa ibabaw ng island counter at ibinigay 'yon sa kanya. "Here. This will also help."
Napipilan pa ring tinanggap ni Blake ang baso na may lamang tubig, saka gamot.
"Inumin mo na," wika ni Lucky, saka bumalik sa niluluto nito.
Ilang segundo ang lumipas na nakatitig lang siya sa babae bago nakabawi sa kakaibang nararamdaman niya at ininom ang gamot.
Pagkatapos at ay naglakad siya palapit sa lababo para maghilamos. At hindi nakatakas sa paningin niya ang namumulang parte ng leeg nito dahil malapit lang ito sa kanya.
He knew what that was! And it was making his blood boil! He was pretty sure he slept like a baby last night and nothing happened.
So why does she have a fucking hickey?!
Hindi niya napigilang haplusin ang parteng 'yon.
"What is it?" agad na tanong sa kanya ni Lucky.
Nakatuon ang mga mata niya sa parte ng leeg nitong namumula. "Where did you get this?"
Lucky frowned. "Anong saan? Ano ba 'yon?"
"This hickey."
Nanatiling nakakunot ang noo sa kanya ni Lucky habang kumukurap-kurap ito. Then her lips formed into an "o" like she now remembered where she got the hickey. "Ikaw ang may gawa sa 'kin niyan," sabi nito.
He stilled. "I did this?"
Tumango ito, saka napapantastikuhang tinitigan siya. "Yeah. In the Valcarcel's house last night, remember? You bit my neck?"
His lips parted. "Oh..." Ganoon ba siya kalasing na hindi niya maalala 'yon? "Ahm... ano pa ba ang ginawa ko sa 'yo?"
Umakto itong nag-iisip, saka nagbilang sa daliri habang iniisa-isa ang ginawa niya. "Niyakap mo ako, 'tapos kinagat mo ang leeg ko, 'tapos ang dami mong sinasabi. You're so talkative last night—" Suddenly she gasped. "Holy moly!" Her eyes widened. "My soup!"
![](https://img.wattpad.com/cover/166949100-288-k485837.jpg)
BINABASA MO ANG
THE BROKEN SOUL'S PLEA
General FictionBlake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb in his soul. Pero pilit siyang kumakapit, pilit siyang lumalaban para sa hustisya at para sa kakamba...