CHAPTER 22
MABILIS NA INUBOS ni Lucky ang tubig na ibinigay sa kanya ni Blake para makatulong sa kanya na kumalma, pagkatapos ay ibinalik niya ang baso rito. Kapagkuwan ay iniyakap niya ang mga braso sa nakatiklop niyang mga binti at isinubsob sa sariling tuhod ang mukha.
"Galit ka ba?" Boses iyon ni Blake na bakas ang pag-aalala.
Umiling siya, saka nag-angat ng tingin dito. "Pinapakalma ko lang ang sarili ko. Ginulat mo ako, eh."
Blake looked guilty. "Sorry. Sana pala dinahan-dahan kita."
Hindi siya umimik ng ilang segundo bago bumuntong-hininga. "I'm feeling better now."
Parang nakahinga ito nang maluwag. "Thank goodness. Pinag-alala mo ako."
Sinimangutan niya ang lalaki. "Stop shocking me! Maoospital ako nang dahil sa 'yo."
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Blake. "If it's not shocking, then it's not a proposal."
Inirapan niya ito, kapagkuwan ay matamis na ngumiti. "Blakey-baby?"
"Yes?"
"Will you marry me?"
He stilled and didn't move.
Lucky puffed a breath. "See? Ikaw nga na walang sakit, nagulat, ako pa kaya?"
Napakamot ito sa batok, saka kagat ang pang-ibabang labing ngumiti. "Gusto ko lang namang masiguro na hindi mo ako iiwan."
Lucky sighed. "Ganoon ba 'yon? Bakit ang mommy ko at ang asawa niya, kasal naman sila, pero iniwan pa rin niya ang mommy ko?"
Napipilan si Blake.
"Para namang hindi totoo na susi ang kasal para hindi na maghiwalay," dagdag niya, saka nilaro-laro ang sariling mga daliri. "'Yong katrabaho ko nga kasal din siya, pero iniwan pa rin. Sa tingin ko, hindi na 'yon ang basehan ngayon para hindi maghiwalay ang dalawang tao."
"So, you don't want to marry me?" he asked.
She looked at Blake. "I'm sick, Blake. I have a fifty-fifty chance of living. Ano'ng mangyayari sa 'yo kapag nawala ako, 'tapos kasal pa tayo?"
Blake forced a smile on his lips. "Where's my positive gummy bear? Where did she go?"
She smiled sadly. "She's right here. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Being in a relationship with me is hard, I know. But marrying me, it'll be harder. You'll be in pain because of me."
"That's okay." He offered her a reassuring smile. "It's the risk I have to take to be with you. Handa akong masaktan, para sa 'yo."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang pinakatitigan ang kasintahan. Kapagkuwan ay bumuntong-hininga siya, saka tumango. "Why do you want to marry me anyway? Wala namang akong maibibigay sa 'yo. We can't make love because of my heart and I can't give you a child because I'm sick—"
"I want to marry you because I love you, not because of the things you can give to me," putol ni Blake sa iba pa niyang sasabihin.
Niyakap niya ang pinakamalapit na unan sa kanya habang nakatitig pa rin sa lalaki. "Puwede ko bang pag-isipan bago kita sagutin?"
Nag-iwas si Blake ng tingin. "Ayaw mo bang maikasal sa 'kin?"
"Gusto."
"Then say yes."
"Paano kung may mangyari sa 'kin? Ano'ng mangyayari sa 'yo? Blake, it's gonna be painful."
He looked at her. "Ayokong isipin 'yon sa ngayon. You taught me to be positive, kaya naniniwala akong mabubuhay ka nang matagal. Naniniwala akong makakasama kita sa mahaba pang panahon."
![](https://img.wattpad.com/cover/166949100-288-k485837.jpg)
BINABASA MO ANG
THE BROKEN SOUL'S PLEA
General FictionBlake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb in his soul. Pero pilit siyang kumakapit, pilit siyang lumalaban para sa hustisya at para sa kakamba...