CHAPTER 33

676K 23.1K 4.7K
                                    

Hello to Marita Bogtong Groves 👋🏻 Happy Reading. Halabyu 😘

CHAPTER 33

MALAKAS ANG KABOG ng dibdib ni Blake habang sabay silang tumatakbo ni Blaze pasunod sa babaeng nagpakilalang ina ni Bailey. Halos liparin nila ang distansiya palabas ng ospital.

Lalo niyang binilisan ang pagtakbo nang makitang malapit na sila sa pinto.

"Come on, Blaze!" Blake urged his twin to run faster.

Parang sasabog ang dibdib niya sa halo-halong emosyong nararamdaman habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng parking lot.

"Where is she?" nanginginig ang boses at hinihingal niyang tanong. "Fuck! Where the fuck is she?!"

Napahawak si Blaze sa magkabilang tuhod habang habol ang hininga. "Fuck! Nasaan na siya?"

"Go east!" utos niya, saka humiwalay siya sa kakambal para hanapin ang ina ni Bailey.

Halos halughugin niya ang bawat sulok ng parking lot pero hindi niya ito nakita hanggang sa may kotseng lumabas mula sa parking lot ng basement. Hindi tinted ang salamin n'on kaya malinaw niyang nakikita kung sino ang nasa loob.

"Blaze!" He shouted his brother's name. "Blaze! In here!"

Tumakbo siya paharang sa papaalis nang kotse. Wala sa isip niya na puwede siyang sagasaan ng driver kung mali ang impormasyong ibinigay sa kanila ni Midnight. Ang nasa isip lang niya ay makausap ang sakay n'on.

"Blake! Watch out!" sigaw ni Blaze nang iharang niya ang katawan sa dinaraanan ng kotse.

"Stop!" sigaw niya sa nasa loob ng sasakyan.

"Fuck!" Blaze hissed when he neared him, and the car stopped. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" singhal sa kanya ng kakambal. "Paano kung nasagasaan ka?!"

Hindi niya pinansin ang galit nito at itinuro ang nagmamaneho na ngayon ay lumabas na ng sasakyan. "It's her."

Bumaling si Blaze sa itinuro niya, saka natigilan din katulad niya nang makitang nakalabas na ang babaeng nagmamaneho.

That face. The way she stood. Her voice. It was all different! There were no similarities but Midnight said she was the person they'd been longing for.

Isang tao lang naman ang pareho sila ni Blaze na miss na miss na... na gusto nilang makita.

They were longing for the same person. Isang tao lang at hindi iyon kamukha ng babaeng nasa harap nila ngayon.

But Midnight... his words. He was going against the organization's rules for them. He would never lie and torture them like this, right?

Kumuyom ang kamay ni Blake at pinilit niyang gumalaw ang sarili.

"What do you think you're doing?" istriktong tanong ng ginang sa kanila. "If this is about my husband, don't worry. Wala akong sasabihin sa kanya basta alagaan n'yo lang si Bailey. You don't have to do this. I could have run you over!"

Blake looked into the woman's eyes. There was no familiarity in there. Nothing. Ang mga salita lang ni Night ang pinanghahawakan niya.

"I'm sorry," panimula niya habang naglalakad palapit dito. "I'm sorry."

The woman frowned. "What are you talking about? Why are you saying sorry for?"

Tumayo siya sa harap ng babae, saka pinakatitigan ito nang matagal bago nagsalita. "I'm sorry kasi hindi ko kayo sinamahang mag-jogging ni Cassie nang umagang 'yon—"

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon