CHAPTER 20

884K 24.6K 8.3K
                                    

CHAPTER 20

NAKATITIG LANG SA KAWALAN si Lucky habang paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang ikinuwento sa kanya ng Mommy La at Daddy Lo niya. Hanggang sa mga sandaling 'yon, hindi pa rin siya makapaniwala na bunga siya ng isang kasalanan.

Mabilis niyang tinuyo ang luha na namalisbis sa pisngi niya nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Blake.

"Baby..."

She smiled brightly for Blake. "Good evening, Blakey-baby," masigla niyang bati rito.

Pinakatitigan siya ni Blake, saka umiling. "It's okay. You don't have to smile for me."

Doon nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Sorry... I was just thinking."

Umupo ito sa gilid ng kinahihigaan niya, saka hinaplos ang pisngi niya. "How's the talk? Okay na ba kayo ng lolo't lola mo?"

Tumango siya, saka huminga nang malalim at nag-iwas ng tingin. "I'm ashamed."

"Why?"

Nakagat ni Lucky ang pang-ibabang labi. "Kasi bunga ako ng isang pagkakamali. Kaya pala hindi ako kayang mahalin ni Mommy kahit ano'ng gawin ko." Nalaglag ang luha sa mga mata niya. "She was a raped victim, Blakey, at ako ang bunga n'on. Kaya galit na galit siya sa 'kin. Kasi ako ang nagpapaalala sa kanya ng araw na kinamumuhian niya."

Blake intertwined their hands. "Don't be ashamed. Hindi mo kasalanan na ipinagbuntis ka. Wala kang kasalanan."

Umiling siya habang namamalibis pa rin ang luha sa mga pisngi niya. "But it was me who made my mother miserable. Ako 'yong dahilan kaya hindi siya masaya. I'm the reason why her husband left her, her happiness and her life, I took it all away. I'm a bad person."

Umusod pa palapit sa kanya si Blake, saka masuyong hinaplos ang pisngi niya at tinuyo iyon dahil sa mga luha niya. "Baby, it wasn't your fault."

"Sinasabi ko iyan sa sarili ko pero bakit ang sakit pa rin?" She took a deep breath to calm herself. "Ang sakit tanggapin na masamang tao ang ama ko. Na sinaktan niya ang mommy ko. Na galing ako sa kanya. Paano kung tama si Mommy?" She looked at Blake. "Paano kung masama rin ako? I'm his flesh and blood, that must've meant something."

Umiling si Blake. "You're a good person, Lucky. Ikaw na ang pinakamabait na taong nakilala ko. You're too nice, too kind and too sweet. Hindi ka masama at hindi ka magiging masama. Trust me, okay?"

Tumango siya, saka suminghot-singhot at ngumiti. "I'll be okay, right? I mean, I can do this, right? Accept who I am?"

Blake dried her tears and kissed her forehead. "You're gonna be okay. Nandito ako."

Napahikbi siya. "Kahit anak ako ng masamang tao, mahal mo pa rin ako?"

Blake smiled. "Oo naman. Pakialam ko naman sa kanya."

Napangiti siya sa huling sinabi nito. "Thank you."

"My pleasure." Blake leaned in to kiss her.

Mabilis niyang tinakpan ang bibig. "No!"

"Bakit?" natatawang tanong nito. "I miss kissing you. Alam mo namang adik ako sa mga labi mo."

Marahas siyang umiling. "No! I'm not clean. My teeth is not clean!"

Tumawa ito. "That's okay. Just let me kiss you. I miss my daily dose of positivity."

Umiling siya uli. "No!"

Pero inilapit pa rin ni Blake ang mga labi sa kanya pero ang likod ng kamay niyang nakatakip sa bibig niya ang hinalikan nito.

"I miss you, baby. Pa-kiss," paglalambing nito.

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon