CHAPTER 17

897K 27K 9.9K
                                    

CHAPTER 17

NAGISING SI LUCKY na parang may mga nag-uusap hindi kalayuan. Iminulat niya ang mga mata at pinakiramdaman ang sarili nang maalala kung bakit siya nakahiga sa kama at naka-oxygen mask.

Her heart couldn't take the happiness she felt because of what Blake said. He confessed! Too much euphoria was bad for her. But it was ironic. Nang may mangyari sa kanila ni Blake, hindi naman siya inatake, masayang-masaya naman siya noon.

Ibig bang sabihin nito mas masaya siyang malaman na mahal siya nito?

Gumuhit ang tipid na ngiti sa mga labi niya, saka bumangon. Umupo siya sa gilid ng kama at pinakiramdaman ang sarili. Thank God I'm feeling better.

Natuon ang atensiyon niya sa mga naririnig na nag-uusap nang maulinigan ang boses ni Blake.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya dahil sa 'kin. Nang mawala si Calle, kinaya ko pa, pero kapag si Lucky ang nawala sa 'kin, hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Kaya kong sumuong sa kahit anong laban nang walang takot at pag-aalinlangan, pero iniisip ko pa lang na mawawala siya, natatakot na ako."

Gumuhit ang lungkot sa mukha niya. Kapag may nangyaring masama sa kanya, siguradong sisisihin ni Blake ang sarili nito. Kaya kailangan niyang gumaling.

I have to be better.

"'Buti na lang naagapan ni Blaze ang nangyari kanina." Boses iyon ni Dr. Axel. "Sa susunod, isipin mo muna kung ang sasabihin mo ay magkakaroon ng malaking epekto sa kanya para hindi siya mawala sa 'yo."

"I'll keep that in mind."

"Ano ba kasing sinabi ko na nagkaganoon siya?" Boses iyon ni Blaze.

"I told her I love her," sagot ni Blake na ikinangiti niya.

"Too much euphoria then," sabi ni Dr. Axel.

"She was that happy?" tanong ni Blake na parang hindi makapaniwala

"Marupok, eh," sabi ni Blaze. "Trust me, Blakey, Lucky treasures you very much. Kaya isipin mo ang bawat galaw at sasabihin mo bago mo sila gawin dahil makakaapekto 'yon sa kanya."

"Ingatan mo siya, Blake," sabi ni Dr. Axel. "Alam mo naman ang lagay niya."

"Yeah, I know. I will be more careful."

Her Blake sounded so sad.

Tumayo si Lucky, saka dahan-dahang naglakad patungo sa hagdan. Habang bumababa siya, tinawag niya ang pangalan ng lalaki.

"Blakey? Blake?"

Nakita niyang mas mabilis pa sa alas-kuwatro itong umalis sa pagkakaupo sa sofa, saka malalaki ang hakbang na nilapitan siya at masuyong hinawakan sa baywang para alalayan.

"Baby, dapat hindi ka muna bumangon," sabi nito na bakas ang pag-aalala sa mukha.

She smiled to lessen his worry. "I'm feeling better now."

"Baby—"

"Sorry, natakot kita," hingi niya ng pasensiya at masuyong hinaplos ang pisngi nito. "Sorry, baby."

"You don't have to say sorry." Masuyo siya nitong pinangko patungo sa iniwan nitong sofa.

Blake sat on the long sofa while she sat beside him. Ihinilig niya ang ulo sa balikat nito nang makaramdam ng kaunting pagkapagod. Agad namang ipinalibot ni Blake ang braso sa balikat niya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

"You feeling better?" he asked.

Tumango siya. "Thank you."

Hinalikan siya uli nito pero sa noo naman bago masuyong niyakap.

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon